What's on TV

David Licauco, pinabilib ang kaniyang Japanese co-stars sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published September 12, 2024 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jacky Woo, David Licauco, Ryo Nagatsuka


Napabilib ang ilang Japanese actors sa acting performance ni David Licauco sa 'Pulang Araw.'

Patuloy na umaani ng papuri ang Kapuso actor na si David Licauco dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa hit family drama series ng GMA na Pulang Araw.

Maging ang kaniyang Japanese co-stars sa serye ay napapabilib sa acting performance na ipinapakita ni David. Isa na rito ang Japanese actor na si Jacky Woo na gumaganap bilang si Chikara Tanaka na ama ng karakter ni David na si Hiroshi Tanaka.

Ayon kay Jacky, masaya siya na maging anak si David sa serye dahil humahanga siya sa galing nito sa pag-arte at talagang nagiging emosyonal siya sa kanilang eksena.

Nagpapasalamat naman si David sa magandang comment ni Jacky para sa kaniya, pero ayon sa aktor, “Actually ako nga ang hanga sa kaniya kasi siyempre Tagalog 'yung mga linya ng mga ka-eksena niya 'di ba? Ang galing talaga. Every time na nakaka-eksena ko siya, ramdam ko 'yung emotions. He's one of my favorite co-actors to act with.”

Bukod naman kay Jacky, bilib din kay David ang miyembro ng Japanese trio na SkyGarden na si Ryo Nagatsuka. Si Ryo ang isa sa mga nagsisilbing Japanese language coach ng Pulang Araw, at isa sa mga supporting character dito.

Kuwento ni Ryo, marami rin siyang natutunan kay David pagdating sa acting.

Aniya, “Kinakausap ko si David muna bago ako mag-act to make me switch on. Parang binibigyan niya ako ng mga advice kasi parang tinuturuan ko siya ng mga Japanese line, kung pa'no [ang] tono, tapos tinuturuan niya naman ako ng acting.”

Sa latest episodes ng Pulang Araw, napanood na ang tuluyang pagdating ng mga mananakop na mga Hapones sa Maynila noong January 2, 1942. Ito ay matapos mabigo ang Amerika na depensahan pa ang bansa sa Japanese forces.

Ang mga tagpong ito ang magbibigay takot sa mga karakter na sina Eduardo (Alden Richards), Adelina (Barbie Forteza), at Teresita (Sanya Lopez). 0

Dito na rin nila malalaman ang pag-anib ng kanilang kaibigan na si Hiroshi (David Licauco) sa hukbo ng Japanese Imperial Army na pinamumunuan ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).

Sa tumitinding giyera, makikita ang magiging paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop na Hapones at kung anong mga paraan ang gagawin nila upang makaligtas noon sa World War II.

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Pulang Araw: Ang mga unang larawan