
Mapapanood na ngayong 2025 ang inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa GMA Prime teaser na inilabas noong Sabado (December 28), ipinasilip ang upcoming primetime shows ngayong 2025, kabilang na rito ang Sang'gre.
Sa Sang'gre teaser, ipinakita ang new generation Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
May pasilip na rin sa karakter ni Rhian Ramos bilang ang Ice Queen na si Mitena, ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia. Ginampanan naman ni Solenn Heussaff noong 2016 sa Encantadia ang karakter ni Cassiopea, ang unang reyna ng Lireo.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA Prime soon.
Panoorin ang GMA Prime teaser sa video na ito:
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: