GMA Logo camille prats and katrina halili on mommy dearest
Sources: camilleprats/IG, katrina_halili/IG
What's on TV

Camille Prats, Katrina Halili, naka-relate sa kani-kanilang role sa 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier
Published January 9, 2025 1:18 PM PHT
Updated January 30, 2025 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA creates watchdog for FMR monitoring
Alleged Dawlah Islamiyah leader, bomb expert killed in military ops
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

camille prats and katrina halili on mommy dearest


Excited na sina Camille Prats at Katrina Halili sa kanilang bagong roles sa upcoming series na 'Mommy Dearest.'

Para kina Camille Prats at Katrina Halili, maagang blessing ng 2025 ang upcoming family drama series na Mommy Dearest.

Kaugnay nito, inamin din nilang madali silang naka-relate sa kani-kanilang mommy roles sa serye dahil sa pagiging ina nila sa totoong buhay.

Sa panayam sa kanila ni Lhar Santiago para 24 Oras nitong Miyerkules, January 8, sinabi nina Camille at Katrina kung gaano sila naka-relate sa mga karakter nila sa Mommy Dearest, lalo na at isa sa mga tinatalakay ng serye ay ang relasyon ng isang ina sa kanilang anak.

Ani Camille ay proud siya sa magandang relasyon niya sa kanyang teenager at panganay na anak na si Nathan.

“We love watching movies together. He's into a lot of things so ako, nae-enjoy ko 'yung small conversations. Tatambay lang ako sa room niya, hindi namin kailangan mag-usap, but just my presence, I just want him to know that I'm there. And then alam mo, eventually, he would always look for me,” sabi ng aktres.

Super supportive naman si Katrina sa unica hija niyang si Katie na tila susunod na sa yapak niya bilang isang artist, lalo na at nahihilig ito sa pagkanta.

“Dahil gusto niya, 'O sige na nga, anak,' kahit sa totoo lang, ang hirap kasi parang maghapon na ako sa mall show. Para sa kaniya, ako na nga lahat; ako makeup artist, ako nagbibihis sa kaniya, ako na lahat-lahat,” sabi ni Katrina.

KILALANIN ANG BUONG CAST NG 'MOMMY DEAREST' NA NAGKITA-KITA SA KANILANG STORY CON SA GALLERY NA ITO:

Inihayag din nina Camille at Katrina ang kanilang excitement sa nalalapit na serye, lalo na at matagal din nila itong hinintay.

“Excited kaming lahat, actually, kasi ang tagal na naming inaantay,” sabi ni Katrina.

“I'm excited pagdating sa kung papaano ba siya tatanggapin ng mga tao, how will people react to the show, to the roles,” sabi naman ni Camille.

Pag-amin pa ni Camille ay marami ang nagulat sa reversal ng roles nila ni Katrina nang mapanood nila ang trailer. Madalas kasing mabait ang role niya sa mga teleserye, pero sa Mommy Dearest ay isa siyang kontrabida.

“They were kinda surprised to see na may switch ng roles. That's something exciting for Kat and I also,” pagpapatuloy ng aktres.

Makakasama rin nila si StarStruck season 7 Ultimate Princess Shayne Sava na excited na rin dahil parte sila ng mga unang serye na ipapalabas ngayong 2025.

“Masaya po ako kasi isa po kami sa mga papalabas po ngayong taon, and masaya po 'yung start ng new year ko,” sabi ng aktres.

Abangan ang Mommy Dearest soon sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang buong panayam sa kanila dito: