What's on TV

Pokwang, gaganap na ina ni Herlene Budol sa 'Binibining Marikit'

By Jansen Ramos
Published January 17, 2025 5:51 PM PHT
Updated January 30, 2025 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and herlene budol


Grateful si Pokwang sa kaliwa't kanan niyang projects sa pagpasok ng 2025, kabilang na ang GMA Afternoon Prime series na 'Binibining Marikit' na mapapanood na simula February 10.

Pinatunayan ni Pokwang na manifestation works dahil sa kabi-kabilang trabahong nakalinya sa kanya ngayong taon.

Pagpasok pa lang ng 2025, naging abala na agad ang komedyante dahil sa kaliwa't kanan niyang projects.

Ngayong Sabado, January 18, bibida siya sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman na pinamagatang "Malas na Misis." Dito ay gaganap si Pokwang bilang Aileen na ilang beses magiging biyuda.

Magbabalik din ang longest-running live comedy show nila ni Pooh na pinamagatang #Pookie na mapapanood sa February 9 sa Music Museum. Makakasama nila rito si Chad Kinis. Dadalhin din nila ito sa UAE sa February 15 sa Sheik Rashid Auditorium sa Dubai.

Sa gitna ng kanyang commitments, busy rin si Pokwang sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit na mapapanood na simula February 10. Sa serye, gaganap siyang ina ng kanyang TiktoClock co-host na si Herlene Budol.

Grateful naman si Mamang sa mga blessing na natatanggap niya na, aniya'y, minanifest niya. "Kapag galing ka sa rough road, meron din naman d'yang patag na. Gano'n daw. Claim it this 2025, mas bongga, mas peaceful na," ika niya sa 'Çhika Minute' report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Miyerkules, January 15.

Samantala, mula Lunes hanggang Biyernes din siyang napapanood sa variety show na TiktoClock na marami raw bagong aabangan ngayong taon, kabilang na ang bagong season ng 'Tanghalan ng Kampeon' na magsisimula na sa Lunes, January 20.

Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.