
Patuloy pa rin ang pagpapakilala sa mga aabangang cast ng pelikulang handog ng GMA Pictures na Samahan Ng Mga Makasalanan.
Ngayong Huwebes, March 6, ipinakilala na sina Betong Sumaya at Chariz Solomon bilang bahagi ng Samahan Ng Mga Makasalanan. Sila ay mapapanood bilang sina Mayor Damunyo at Tin Chismosa.
Ayon sa caption ng GMA Pictures, "Ang mga tunay na makasalanan--sina Mayor Damunyo (Betong Sumaya) at si Tin Chismosa (Chariz Solomon)!"
Kasama pa rin sa cast reveal ngayong araw ang larawan ni David Licauco, na gaganap bilang si Deacon Sam.
"Hindi mawawala si David Licauco, kahit may mic pa siya sa ulo! Cute noh?"
Makakasama nina David, Betong, at Chariz sa Samahan Ng Mga Makasalanan sina Sanya Lopez, Joel Torre, Buboy Villar, David Shouder, Liezel Lopez, Jade Tecson, at marami pang iba.
Abangan ang handog ng GMA Pictures na Samahan Ng Mga Makasalanan sa April 19.