Showbiz News

Pag-ibig nabuo sa sementeryo?



Sekretarya sa opisina si Nancy noon habang isang telephone operator naman si Popoy. Na-in love sa boses ng isa’t-isa ang dalawang ito, kaya ang simpleng pag-uusap sa telepono ay tila itinadhana para sila ay magkakilala at mag-date.
 
Ngunit paanong nangyari na mula sa mga de-aircon na opisina ay napadpad sina Nancy at Popoy sa sementeryo dahil sa kanilang pag-iibigan.
 
Paano ba magkaroon ng asawa at magpalaki ng pamilya sa lugar ng mga patay?
 
Tampok sina Chariz Solomon at John Feir sa "Pugad sa Sementeryo," ang Halloween special ng Wagas ngayong Sabado, October 25, 7 p.m. sa GMA News TV.