Showbiz News

Saksakan ng saya: The Bubble Gang 19th Anniversary Special

By AEDRIANNE ACAR
 
Kapanapanabik ang mga hinandang sorpresa ng Bubble Gang para sa 19th anniversary special ng longest-running gag show ng Pilipinas. 
 
Humanda kayo mga Ka-babol sa mga A-list Kapuso celebrities na makiki-party sa tropa nila Michael V., Antonio Aquitania at Rufa Mae Quinto sa darating na October 24 dahil all-out ang performances ng cast. 
 
Minarapat naming tanungin ang mga Bubble Gang stars na sina Juancho Trivino, Chariz Solomon, Max Collins at Arny Ross kung ano-ano ba ang ginawa nilang paghahanda para sa anniversary special this Friday. 
 
Juancho Trivino

 
“Expect kayo ng mas nakakatawang jokes, expect niyo na gumaling na kaming mga bagong gang at ayun siyempre laughter. Nakakawala ng stress kapag nakakanood ka ng Bubble Gang.

"Ako kahit part ako ng cast kapag pinapanood ko, nawawala talaga ‘yung stress ko for the whole week, ayun it’s really fun.” 
 
Chariz Solomon


 
“Alam ko talagang pinaghahandaan. Ang tagal nilang pinagmimitingan ‘yung tungkol sa anniversary. Kasi tuwing anniversary talaga ng Bubble Gang, laging pasabog.

"Dito kasi kahit maliit na bagay pinag-iisipan talaga ng [maiigi], pinag-uusapan ng matindi. [Down to] the very littlest, tiniest detail. So what more pa ‘yung ganito malaking celebration, isa sa pinakamatagal na show sa telebisyon 'di ba. Bubble Gang nineteen years! I’m sure maganda naman ‘yung gagawin namin this year, katulad last year.” 
 
Max Collins 

 
“Hotter artist. Everyone [is] gonna be hotter, kasi nagpapa-sexy kami ng katawan and just more bongga than the other years.” 
 
Arny Ross

 
“Abangan nila ‘yung magiging bagong billboard ng Bubble Gang kasi ang ganda ng concept, tapos ‘yung anniversary gag ang cool then. Related doonn sa billboard, kasi nag-pictorial kami two weeks ago ata. Sabi ko 'Wow ang cute naman ng costume namin.' So abangan nila kung ano ‘yun.

"Tapos pupunta kami sa iba’t-ibang shows para dun kunwari like ‘yung Istambay
sa Looban pumunta kami sa isang show doon namin ginawa. So nakipag-collab[orate] sila sa iba’t-ibang show, tapos ‘yung Bubble Shakers nag-Marian. Tapos kung ano-ano pang sorpresa.”
 
Catch the Bubble Gang special anniversary episode airing this Friday night, October 24, after Saksi.