
Puno ng emosyon ang huling pagkikita ni Bianca De Vera at ng kanyang alagang si Peach dahil ito ay tuluyan nang pumanaw.
Hindi napigilan ng PBB housemate na tuluyang maiyak nang makita niya si Peach na walang malay.
Pinaalalahanan naman ng kanyang Mommy Aileen si Bianca ng mga bagay na makakapagpagaan ng loob nito at binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Alam mo bang pinaglaban ka ni Peachy. So, you get up high. Do this for Peachy," sabi ni Mommy Aileen kay Bianca habang patuloy na umiiyak ito sa kanyang yakap.
Nang makabalik sa loob ng Bahay ni Kuya, sinabi ni Bianca kay Kuya na hindi niya inaakala na magsasama ang kanyang magulang sa sitwasyon na iyon.
"Siguro, gusto ko lang din magpasalamat kasi I haven't seen that in a while. I hugged the both of them," emosyonal na sinabi ni Bianca.
Nagpasalamat din ito kay Kuya dahil napagbigyan siyang makita si Peach.
"Sobrang laki bagay po sa akin Kuya na makapagpaalam kay Peach. Napalakas niya po ang loob ko to see her one last time," sabi ni Bianca.
Inamin din nito kay Kuya na napanghihinaan na siya sa loob at minsan hindi na niya alam kung ano ang rason ng paglaban niya sa loob ng Bahay ni Kuya.
"But seeing Peach again made me want to fight even harder here. I just know that she wants to tell me na she's proud of me," dagdag nito.
Binigyan din ng advice ni Kuya si Bianca para patuloy na bigyan pa ito ng lakas ng loob.
Unang matanggap ni Bianca ang nakakalungkot na balita tungkol kay Peach nitong Huwebes, May 8, mula sa kanyang Mommy Aileen.
Dinamayan naman si Bianca agad ng mga kapwa housemates pagkatapos matanggap ang nakakalungkot na balita.
Huwag palampasin ang iba pang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.
Mapapanood ang pinag-uusapang programa, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Panoorin ang emosyonal na pamamaalam ni Bianca De Vera sa kanyang fur baby na si Peach dito: