Showbiz News

GMA shows to watch out for this weekend

By AL KENDRICK NOGUERA



Mga Kapuso, sinigurado ng GMA na makakapagpahinga kayo nang maayos sa darating na weekend sa nakaka-relax na mga programang mapapanood niyo sa gabi.

Sabado

Ngayong Sabado night, pinaghalo-halong sitcom, kantahan, sayawan, game show at drama ang hatid sa inyo ng GMA.

Pepito Manaloto, Ang Tunay  na Kuwento (6:00 p.m.)

Ireregalo ni Clarissa sa kanyang lalaking classmate ang cupcake na ginawa ni Elsa. Teka, nanliligaw ba si Clarissa?

Marian (7:00 p.m.)

Abangan ang pasabog sa dance floor ng  Primetime Queen na si Marian Rivera! Ano’ng sayaw naman kaya ang ituturo ng nag-iisang primetime dance show?

Magpakailanman (8:00 p.m.)

Alamin ang kuwento ng isang ina na hindi na maalala ng kanyang asawa dahil sa sakit na amnesia. Paano kaya niya tinitiis ang ganitong sitwasyon?

Celebrity Bluff (9:30 p.m.)

Sa pagpapatuloy ng month-long celebration ng kanilang second anniversary, mga basketball players naman ang maglalaro. Sino kaya sa kanila ang magaling kumilatis sa mga gangnam?

Pagbangon: Yolanda Special (10:30 p.m.)

Pagkalipas ng isang taon, kumusta na kaya ang mga biktima ng Bagyong Yolanda? Silipin ang kanilang sitwasyon sa Pagbangon: Yolanda Special.

Walang Tulugan (11:30 p.m.)

Siyempre, mawawala ba ang programang gumigising sa inyo? Tutok lang dahil ayon nga kay Kuya Germs, Walang Tulugan!

Linggo

Hindi lang Sabado night ang dapat ninyong panoorin ngayong weekend dahil pasisiyahin din kayo ng GMA sa handog naming Sunday night lineup.

Vampire Ang Daddy Ko (6:00 p.m.)

Mayroong manika si Big na pilit dumidikit kay Victor. Ano kaya ang gulong hatid ng mahiwagang manikang ito?

Ismol Family (6:45 p.m.)

Bibisita si Lovi Poe sa Ismol Family bilang isang psychic. Ano kaya ang mahuhulahan niya sa pamilyang ito?

Kapuso Mo Jessica Soho (7:30 p.m.)

Isang dekada na pala nang unang ipalabas ang Kapuso Mo Jessica Soho. Sa kanilang 10th anniversary ngayong Linggo, anong inspiring story kaya ang gagawin mismo ni Jessica?

Bet Ng Bayan (9:25 p.m.)

Siguraduhing mapapanood ninyo ang inyong mga Bet dahil ngayong Linggo, muli silang magpapamalas ng kanilang galing sa kantahan, sayawan at kakaibang talento!

Shaolin with Jackie Chan (10:25 p.m.)

Abangan ang Sunday Night Box Office na Shaolin with Jackie Chan dahil isang martial arts movie ang dapat ninyong mapanood bago mag-Lunes!

Mga Kapuso, mag-relax lang sa inyong mga bahay at huwag kalilimutang panoorin ang weekend night shows na handog sa inyo ng GMA.