
Bukod sa Kapuso housemate na si Shuvee Etrata, nanalo rin ang Kapamilya housemate na si Ralph De Leon sa unang Big Intensity Challenge sa Bahay Ni Kuya.
Ipinalabas sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ang mga eksena tungkol sa challenge at ang pag-anunsyo ni Kuya ng winners.
Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Si Ralph ang pinakamabilis na nakatapos ng mga task sa lahat ng Kapamilya housemates na sumalang sa naturang challenge.
Labis na ikinagulat ng Star Magic artist ang naging resulta nito.
Ayon kay Ralph, ito ang kauna-unahang beses na maliligtas siya mula sa nalalapit na nominasyon.
“Thank you, Kuya. Sobrang saya ko kasi first time kong magka-immunity, mensahe niya kay Big Brother matapos ipaalam ng huli na siya ay nagtagumpay sa challenge.
Pahabol pa ni Ralph, “Nakabalik ako sa bahay na 'to because of the support of the people outside. I just want to prove them na hindi mali 'yung pagtitiwala nila sa akin.”
Bukod sa ligtas siya sa nominasyon, siya ay mabibigyan ng karapatan na pumili ng kaniyang final duo.
Matatandaang si Ralph ang nakasabay ni Charlie Fleming na nakabalik sa loob ng iconic house matapos ang naging botohan para sa Big Comeback.
Huwag palampasin ang mga susunod na mga kaganapan sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Insert link: www.gmanetwork.com/pbblivestream
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.