
Matapos maging Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition evictees nina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman, bumalik sila sa agad sa Bahay ni Kuya bilang house challengers.
Ngayon na nakalabas na siyang muli, anu-ano nga ba ang mga natutunan ng "Island Ate ng Cebu" sa pamamalagi niya sa iconic na bahay?
Sa pagbisita niya sa Unang Hirit, tinanong ni Suzi Entrata ang mga na-discover ng Sparkle artist tungkol sa sarili habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Sagot ni Shuvee, “Mas naging attached ako sa self ko sa loob ng bahay because everybody is vulnerable."
Marami rin daw siyang natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya, lalo pa't nahirapan siya sa unang linggo niya bilang isang housemate.
"After one month po ako pumasok, so hirap na hirap ako mag-fit in. I was trying so hard, parang transferee. Hirap na hirap po akong mag-adjust. Pero nu'ng first week, may walls talaga ako hanggang sa ni-loosen-up ko because of Ate Klang, Esnyr,” sabi ni Shuvee.
Aniya, naging comfort people niya sina Klarisse, Esnyr, at maging si Vince Maristela.
“And then, naging totoo na 'ko. Wala na akong pakialam, and they loved me for who I am,” sabi ni Shuvee.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA STUNNING ISLAND GIRL LOOKS NI SHUVEE SA GALLERY NA ITO:
Sinagot din ni Shuvee ang sinabi ni Shaira Diaz tungkol sa pagpapasaya niya sa housemates habang nasa PBB house.
Ayon sa Kapuso TV host-actress, may kaniya-kaniyang ambag ang housemates habang nasa loob at ang sa kaniya ay ang pagpapasya sa ibang housemates at pagiging positibo niya.
“It's just that gusto ko lang talaga na i-shine 'yung light ko sa bawat housemate and tina-try ko talaga siya, pero mahirap talaga sa loob ng Bahay ni Kuya. Mabigat, everyday, laging may umiiyak, parang ganu'n siya na feeling,” pagbabahagi ni Shuvee.
Pagpapatuloy pa ng Sparkle star, “So, it's the least thing you could do sa house, make them happy, stay positive, pray for them.”
Panoorin ang pagsalubong ni Shuvee sa Unang Hirit: