Showbiz News

Mamangha sa world-class talent sa 'Bet ng Bayan'

Ngayong Linggo, ang mga pambato ng South Mega Manila ang bibida sa Bet ng Bayan showdown na magaganap sa Rosario, Cavite.
 
Bet sa Kantahan


 
Si Apple Delleva mula Cabuyao, Laguna ay malayo na ang narating sapagkat naging contestant siya sa isang international karaoke singing contest sa Sweden.
 
Ang kalaban naman niya ay si Verna Joy Najera na may simpleng pangarap na mabuo ang kanyang pamilya.
 
Bet sa Sayawan
Magtatapat ang fierce beki dancers ng Vogue Mega Crew at ang matatapang na miyembro ng A’s Crew. Sila’y mag-sho-showdown ng dance step na ‘Shablam’.
 
Bet sa Kakaibang Talento
Fire versus magic ang labanan sa Kakaibang Talento. May paandar si Arjay Moratillo, ang firedancer ng Bacoor at hindi magpapatalo ang kanyang kapwa Caviteño na si Ian Adriano, na isang computer magician mula Dasmariñas.
 
Abangan ang lahat nang 'yan ngayong Linggo sa Bet ng Bayan, pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.