advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Behind-the-scenes ng 'Jesus: His Life' dubbing session

1 of 12

Ken Chan

Bibigyang boses ni Ken Chan si St. Peter, isa sa orihinal na 12 disciples ni Hesus, sa upcoming Lenten special ng GMA na 'Jesus: His Life'

2 of 12

Peter

Bagama't hindi ito ang kanyang unang dubbing stint sa Kapuso Network, malaki raw na bagay para kay Ken Chan ang gumanap bilang St. Peter. Panoorin ang 'Jesus: His Life (Peter)' sa darating na Black Saturday, April 11, 5 pm.

3 of 12

Martin del Rosario

Kabilang din sa 'Jesus: His Life' si Kapuso actor Martin del Rosario. Gaganap siya bilang si Judas, ang isa sa 12 na disipulo ni Hesus at nag-traydor sa Kanya kapalit ng salapi.

advertisement
4 of 12

Judas Iscariot

Saad ni Martin del Rosario sa GMANetwork.com, “Kinabahan ako nu'ng una kasi siyempre first time kong mag-dub. Sa TV kasi, parang hindi masyado ibibigay sa boses kasi uma-acting na 'yung mukha mo. So, parang may self-doubt na OA ba 'yung ginagawa ko.” Abangan si Martin bilang si Judas Iscariot sa 'Jesus: His Life (Judas)' ngayong Good Friday, April 10, 5 pm.

5 of 12

Paolo Contis

Gaganap naman bilang isang Roman emperor si 'Bubble Gang' comedian Paolo Contis sa 'Jesus: His Life.' Ayon sa aktor, magkabaligtad sila ng karakter ni Poncio Pilato kaya medyo nahirapan siyang harapin ang karakter na ito.

6 of 12

Pontius Pilate

Ani Paolo sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, “Well, first time ko na [mag-dub ng] ganito. It's an experience din kasi pinapakinggan ko 'yung english voice nila para hindi magmukhang binabasa 'yung sinasabi ko. Siyempre ito kailangan mong bigyan ng boses 'yung acting niya. Kung hindi, magmumukhang flat, I guess, 'yun yung challenge.” Panoorin si Paolo bilang si Pontius Pilate sa 'Jesus: His Life' ngayong Good Friday, 7pm.

8-part drama 'Jesus: His Life,' hatid ng GMA-7 ngayong Holy Week

advertisement
7 of 12

EA Guzman

Isang high priest naman ang gagampanan ni Kapuso actor EA Guzman sa 'Jesus: His Life.' Sa serye, bibigyang boses ni EA si Caiaphas, ang Jewish high priest na nagplano sa pagpapapatay kay Hesus.

8 of 12

Caiaphas

Ito rin ang unang beses maging voice actor ni EA Guzman sa Kapuso network. Aniya, kahit na may experience siya noon, iba pa rin ang feeling na magbigay boses sa isang totoong tao at hindi isang cartoon character lamang. Subaybayan si EA bilang si Caiaphas sa 'Jesus: His Life' ngayong Biyernes Santo, 3 pm.

9 of 12

Max Collins

Bibigyang boses ni Max Collins ang ina ni Hesus na si Mama Mary sa 'Jesus: His Life.' Bagama't almost six months pregnant, 'di naman nahirapan si Max na magbigay boses dito.

advertisement
10 of 12

Mama Mary

Sa kanyang dubbing session, ikinuwento ni Max na ito raw ang una niyang pagkakataong mag-dub in Tagalog kaya humingi rin siya ng tulong sa kanyang acting coach. Abangan si Max bilang si Mama Mary sa 'Jesus: His Life (Mary) sa Maundy Thursday, April 9, 7 pm.

11 of 12

Sanya Lopez

Game na game sumabak si Sanya Lopez para gumanap bilang si Mary Magdalene, isang disipulo ni Hesus na naka-saksi ng pagkamatay at muling pagkabuhay nito.

12 of 12

Mary Magdalene

Sa naganap na dubbing session, naiyak si Sanya Lopez dahil masyado raw siyang nadadala ng kanyang emosyon tuwing umaarte ng malulungkot na eksena. Aniya, “Everytime na may ginagawa akong iyakan na eksena, nadadala ako sa kanila kaya naiiyak din ako.” Tunghayan si Sanya sa 'Jesus: His Life' bilang Mary Magdalene ngayong darating na Black Saturday, April 11, 3 pm.

advertisement