Showbiz News

8-part drama 'Jesus: His Life,' hatid ng GMA-7 ngayong Holy Week

By Marah Ruiz

Hatid ng GMA-7 ngayong Holy Week ang 8-part drama series na 'Jesus: His Life.'

Ipapakita nito ang buhay ni Hesus sa perspektibo ng walong taong nagkaroon ng malalaking impluwensiya sa kanyang buhay, pagkamatay at muling pagkabuhay.

Ipinahiram pa ng ilang mga Kapuso stars ang kanilang mga boses para bigyang buhay ang mga karakter dito.

Si Rocco Nacino ang naging tinig si Joseph, habang si Max Collins naman ay si Mary.

Binigyang boses naman ni Benjamin Alves si John the Baptist, habang si Ken Chan ay si Peter at si Sanya Lopez ay si Mary Magdalene.

Ipinahiram naman ni Martin del Rosario ang kanyang tinig kay Judas. Si Paolo Contis naman ay si Pilate habang si EA Guzman ang high priest na si Caiaphas.

Mapapanood ang walong bahagi ng serye buong Holy Week. Narito ang schedule ng 'Jesus: His Life':

Maundy Thursday (April 9)
Joseph, 3:00 p.m.
John the Baptist, 5:00 p.m.
Mary, 7:00 p.m.

Good Friday (April 10)
Caiaphas, 3:00 p.m.
Judas, 5:00 p.m.
Pilate, 7:00 p.m.

Black Saturday (April 11)
Mary Magdalene, 3:00 p.m.
Peter, 5:00 p.m.

Nawa'y maging mapayapa ang inyong mga tahanan ngayong Holy Week sa tulong ng mga programang handog ng GMA-7.

Samantala, patuloy nating ipagdasal ang Pilipinas at buong mundo na kasalukuyang lumalaban sa banta ng COVID-19.