Showbiz News

'I-Travel, I-Witness', Dokumentaryo nina Sandra Aguinaldo at Howie Severino


PHOTOS COURTESY OF GMANews ONLINE

Sa pagtatapos ng ika-15 anibersaryo ng I-Witness, magsasama sina Sandra Aguinaldo at Howie Severino para ikuwento ang mga taong hindi nila malilimutan, mga lugar na masarap balik-balikan, at mga karanasang nagpalawak ng kanilang kaisipan. 
 
Bumiyahe sa Palawan, Amerika, Thailand, Cambodia, at Vietnam para sa kakaibang tanawin at makilala ang iba’t ibang kultura sa labas ng Maynila.

Tikmang muli ang mga pagkain ng mga Hapon at Koreano. At sumama sa  gitna at ilalim ng dagat para sa mga kuwentong sa I-Witness lamang makikita.
 
Abangan ang I-Travel, I-Witness  ngayong Sabado, sa GMA 7, pagkatapos ng Celebrity Bluff