Showbiz News

'My Big Bossing' at 'Kubot,' kasama sa nangunguna sa takilya sa MMFF



At kabilang sa apat na nangunguna sa takilya ang ‘My Big Bossing’ at ‘Kubot: The Aswang Chronicles 2’ ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino.

Sa report ng 24 Oras, sinabi ni Tolentino na mas malaki ang kita ng MMFF ngayong taon kaysa last year. Isa sa mga dahilan nito, aniya, ang “almost-midnight crowd,” ang mga manggagawa tulad ng call center workers na diretsong pumupunta sa mga sinehan pagkatapos ng kanilang trabaho.

Halos 12-13 percent increase daw ang kita ng MMFF sa unang araw. At umabot na ito sa P36 million as of Dec. 26.