Sinubaybayan mo rin ba ang mga Kapuso singing competitions of the 2010s na 'Protégé: The Battle for the Big Break,' 'Bet ng Bayan,' at 'The Clash?' Kilalanin dito ang mga singers na nakilala at sumikat nang sumali sila sa singing competitions na ito.
Si Krizza Neri ang nanalo sa 'Protégé: The Battle for the Big Break' sa ilalim ng mentorship ni Ice Seguerra noong taong 2011. Kamakailan ay nagsagawa si Krizza ng isang fundraiser para sa fellow 'Protege' alumni niyang si Lovely Embuscado pagkatapos pumutok ang balitang naging homeless ang dating singer.
Naging runner-rup naman ni Krizza si Lovely Embuscado sa 'Protégé: The Battle for the Big Break.' Early this year, pumutok ang balita na natagpuan si Lovely na walang matirhan at may iniindang mental health problems. Nagtulung-tulong ang mga kakilala ni Lovely sa showbiz upang lumikom ng pondo para sa pagpapagaling niya.
Nakasama si Denise Barbacena sa top 10 ng 'Protégé: The Battle for the Big Break' kung saan siya ay na-train ng sa ilalim ng Pinoy rapper na si Gloc-9. Pagkatapos ng singing competition, napabilang siya sa cast ng 'Bubble Gang.' Kamakailan, bumuhos ang pagbati para kay Denise dahil sa wakas ay nakapagtapos na siya sa kolehiyo matapos ang 10 taon.
Itinanghal si Hannah Precillas na "Ultimate Bet sa Kantahan" sa reality talent search na 'Bet ng Bayan' noong 2014. Lumahok rin si Hannah sa Indonesian singing competition na 'Dangdut Academy Asia 5' kung saan siya ay nagtapos bilang second runner-up.
Sumali at nanalo noon si Kier King sa second season ng 'Popstar Kids.' Muli siyang napasabak sa singing competion nang lumahok siya sa 'Bet ng Bayan' at naging finalist pa rito.
Napabilib ni Golden Cañedo ang lahat sa kaniyang ginintuang tinig kaya naman siya ang itinanghal na 'The Clash' season one Grand Champion. Maririnig ang kaniyang boses sa theme songs ng ilang Kapuso shows gaya ng 'Magpakailanman' at 'Prima Donnas.'
Nag-viral ang audition ni Jong Madaliday sa 'The Clash' kaya't naging front-runner siya sa show at nagtapos na first-runner up. Sa kasalukuyan ay mayroon nang dalawang singles si Jong under GMA Music na "Ano Ba" at "Todo." Siya rin ang kumanta ng "Tuloy ang Laban," na theme song ng bagong 'New Normal: The Survival Guide' strip ng GMA News TV.
Second-runner up naman ang inabot ng balladeer na si Josh Adornado sa 'The Clash.' Marami ang humanga sa kaniyang performances at moreno looks.
Fourth place naman si Garrett Bolden sa 'The Clash.' Umani ng mahigit 1M views ang kaniyang performance ng "One Last Cry." Binansagan ngayon si Garrett bilang Kapuso Soul Balladeer matapos manalo bilang "New Male Recording Artist of the Year" sa 11th PMPC Star Awards for Music.
Sino ang makalilimot sa power vocals ng singer na si Mirriam Manalo sa 'The Clash?' Pagkatapos ng show ay isinilang ni Mirriam ang kaniyang baby girl na si Layla Elleina. Ngunit sa kasamaang palad, pumanaw siya noong October 2019. Nagtulung-tulong ang mga 'The Clash' season one alumni upang magsagawa ng benefit concert para kay Mirriam at sa kaniyang anak.
Hindi man pinalad si Anthony Rosaldo na makapasok sa Final Five ng 'The Clash,' isa pa rin siya sa mga naging pinaka-memorable contestant ng show. Kamakailan lang ay ni-release ni Anthony ang kaniyang third single na "Pwedeng Tayo."
Kabilang din ang up-and-coming solo artist na si Kyryll sa mga contestants ng 'The Clash' season one. Nag-release si Kyryll ng single noong May 2020 titled "Gunita" bilang mensahe ng pag-asa sa kabila ng pandemya.
Ginawang girl group ang mga 'The Clash' contestants na sina Lyra Micolob, Dani Ozaraga, Melbelline Caluag, at Muriel Lomadilla na "XOXO." Mas kilala na sila ngayon sa kanilang bagong stage names na Lyra, Dani, Mel, and Riel.
Pop star in the making ang 'The Clash' season one contestant na si Mika Gorospe! Pakinggan ang kaniyang single na "Mahal, Paalam Na" na kinunan pa sa San Francisco, California.
Tiyak na mahuhumaling ka sa pretty boy looks at emotional vocals ni Psalms David, na sumali rin sa first season ng 'The Clash.' Kamakailan ay natupad ang kaniyang pinapangarap nang ma-release ang single niyang "'Di Na Magtatagal."
Pasok rin sa 'The Clash' season one ang sentimental singer na si Bryan Chong. Nakapag-release na si Bryan ng dalawang self-written singles na "Pakiusap" at "Takipsilim."
Si Jeremiah Tiangco na tubong Cavite ang nanalo bilang 'The Clash' season two Grand Champion. Ngayon, naghahanda na si Jeremiah para sa release ng kanyang debut single.
Itinanghal naman na runner-up si Thea Astley kay Jeremiah sa 'The Clash.' Mapapanood si Thea na nakikipagsabayan sa established Kapuso singers sa "Four The Win" segment ng 'All-Out Sundays.'
Isa sa mga pinaka-viral moments ng 'The Clash' season two ay ang failed whistle moment ni Jeniffer Maravilla. Gayunpaman, mabilis na nakabangon ang singer at nakabilang pa siya sa final five ng 'The Clash.'
Kabilang rin ng final five si Nef Medina sa 'The Clash.' Mapapanood ang kaniyang song covers sa kaniyang official channel sa YouTube.
Naikukumpara sa noon si Antonette Tismo sa 'The Clash' season one Grand Champion na si Golden Cañedo dahil sa kanilang maliit na tayog ngunit mataas na boses. Pinatunayan naman ni Antonette mayroon siyang sariling boses na karapatdapat lang na marinig ng lahat.
Naging usap-usapan ang pagsali ni Sassa Dagdag sa 'The Clash' season two sapagka't mayroon na siyang pangalan sa industriya bago sumalang sa kompetisyon. Naging one-of-a-kind at memorable din ang mga performances ni Sassa sa show.
Marami ang naantig sa kuwento ng visually-impaired singer na si Carl Malone Montecido sa 'The Clash.' Bigla siyang sumikat overnight nang mapanood ng English singer na si Sam Smith ang kaniyang cover ng "Too Good at Goodbyes."