Showbiz News

Jake Vargas to showcase his guitar skills for next album

By AEDRIANNE ACAR

Maraming fans ng Pepito Manaloto star na si Jake Vargas ang nag-aabang kung kailan siya maglalabas ng kanyang next album. 
 
2010 nang i-release ng Kapuso heartthrob ang kanyang album with Dyna Records na ‘Ngiti.’ Nag-hit ang recording career ni Jake at nasungkit niya noong 2011 ang parangal sa Star Awards for Music bilang Best New Male Recording Artist.  
 
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa binata, excited na raw siya para sa susunod niyang album at kung pagbibigyan ay gusto sana niyang maipakita ang galing niya sa pagtugtog ng gitara.
 
“Sana mabigyan ako ng chance na ganun na ma-experience ko ‘yung mag-gi-gitara ako sa album ko.”
 
Dagdag pa ni Gabo sa GMA Telebabad na Strawberry Lane na pinag-iisipan din daw niya na sumulat ng sarili niyang kanta para sa susunod na album. 
 
Saad ni Jake, “Gusto ko i-try, pero nakakagawa ako kalahati lang eh, pero hindi ko siya matapos kasi busy rin sa taping. So, hindi ko alam kung maganda sa pakinig [sic] ng tao ‘yung gagawin ko [laughs] Kaya nag-aalangan pa ako, puwede namang i-try.” 
 
Tambak man ng trabaho hindi kinakalimutan ng teen royalty na ingatan ang kanyang kalusugan. Bumabawi rin daw siya sa tulog at kain para hindi mapabayaan ang kanyang kalusugan.
 
“Ako ang ginagawa ko 'pag wala akong work tulog tapos kain [laughs]. Tulog, kain, oo 'di ba ganun. Tapos 'pag walang magawa nag-gi-gitara lang ako sa bahay, tapos game lang. So wala akong ginagawa na iba. Binabawi ko lang sa pagkain din para kahit puyat ka nababawi mo ‘yung katawan mo.”