What's Hot

Dennis Trillo at Ruru Madrid, first time magkakatrabaho sa telebisyon

By Marah Ruiz
Published May 23, 2026 11:39 AM PHT
Updated May 23, 2026 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kaye Abad, nagpalagay ng pink ribbon tattoo bilang pagdiriwang sa Cancer Survivors Month
GMA Pinoy TV Drops Fresh Programs and More in June!
LEGO unveils largest set Sagrada Família

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo at Ruru Madrid


First time magkakatrabaho sa teleserye nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa 'Hari ng Tondo.'

Isang bagong action-drama series ang niluluto ng GMA Network.

'Yan ang upcoming series na Hari ng Tondo na pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid.

Ito ang unang beses na magkakatrabaho ang dalawang aktor sa isang teleserye.

Una na silang naging co-stars sa award-winning film na Green Bones kung saan nakabingwit sila pareho ng mga acting awards.

Hinirang si Dennis bilang Best Actor, habang Best Supporting Actor naman si Ruru sa 50th Metro Manila Film Festival.

"Finally, ngayon sa isang teleserye, mas mahaba, mas maraming oras na magkakasama kami ni Kuya Dennis so I'm very excited," pahayag ni Ruru sa story conference ng Hari ng Tondo kamakailan.

Masaya naman si Dennis sa kanilang reunion project na nakikita niya na magiging isang obra, tulad ng pinagsamahan nilang pelikula noon.

"Minsan lang kami magkatrabaho ni Ruru pero pagka binibigyan kami ng pagkakataon magkatrabaho, talagang sigurado na maganda at saka isang malaking proyekto talaga," lahad niya.

Image Source: gmadrama (Instagram)



Bukod kina Dennis at Ruru, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.

Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.