Showbiz News

Pumasa ba kay Boy 2 ang mga bagong Kababol?

By AEDRIANNE ACAR


PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

 
Bubble Gang is here to stay! After a successful 2014 with several awards na nakamit ng longest-running gag show ng bansa hindi maikakaila na isa sa mga secret weapons ng show ang rich pool of talents na mayroon ito. 
 
Sa pangunguna ng mga comedy legends na sina Michael V, Boy 2 Quizon, Rufa Mae Quinto, Paolo Contis, Antonio Aquitania, Diego to name a few, walang puknat ang saya at tawanan na hatid ng barkada tuwing Biyernes ng gabi. 
 
Lalo pa't nadagdagan sila ng mga bagong Kababol tulad nila Betong Sumaya, Mikael Daez, Andrea Torres, Denise Barbacena, Arny Ross, Max Collins, Sam Pinto, Gwen Zamora, RJ Padilla, Chariz Solomon at Juancho Trivino kaya mas lalong napamahal sa mga Kapuso televiewers ang show. 
 
Marami tuloy ang nagtatanong sa mga bagong comedy talents ng Bubble Gang kung sino ba sa kanila ang angat at may ibubuga pagdating sa pagpapatawa.
 
Tugon ng veteran Bubble Gang star Boy 2, nakakatuwa raw na ang lahat ng mga bago nilang members ay magagaling at mabilis matuto. 
 
Saad niya “Actually all of them. You know all of them for me. Ang okay sa kanila mabilis sila matuto that’s very important.”
 
Dagdag pa ni Boy 2, handa raw ang lahat ng bumubuo ng programa lalo na ang creative team na hasain ang angking galing ng mga ito lalo na kapag nakikita nila ‘yung potensyal.
 
 “Ang okay naman dito sa Bubble Gang 'pag nakita na namin ‘yung potensyal nandiyan na we help each other. So ‘yung kumpiyansa ng mga bata umaakyat that’s what’s important.”
 
“Of course I mean it would take time. It’s up to the creative people, directors you know, if they really give you a shot.”
 
Maganda raw ayon sa apo ni Dolphy ang training na pinagdaanan ng mga new members sa kanilang show dahil tinutulungan nila ito na ma-build ang kanilang self-confidence.
 
“Pero mas higher lang kasi 'yung chances mo for you to be able to have your segment when you are parang 100% ready na.”
 
“'Yung kumpiyansa mo nandun na. I think it’s not just here in Bubble Gang. I hope sa lahat ng shows ganun. ‘Yung bago sila lumabas sa isang show, ‘yung kumpiyansa nila sa sarili nila nandun na.”