TV

WATCH: Sa 24 years ng 'Bubble Gang,' umulit na ba sila ng gags?

By Aedrianne Acar

Star-studded ang Kapuso ArtisTambayan noong Lunes, November 18, dahil guest dito ang Bubble Gang cast members sa panguguna ni award-winning director/content creator Michael V., kasama sina Paolo Contis, Kim Domingo, Boy 2 Quizon, at Betong Sumaya.

Game na sumagot sa mga tanong ang ating mga Kababol patungkol sa big 24th anniversary nila this year, at ang mga dapat abangan sa last part ng kanilang telemovie na 'The ScAvengers.'

LOOK: Meet the 'ScAvengers' of 'Bubble Gang'

Sa kalagitnaan ng Kapuso ArtisTambayan, sinagot ni Michael V. ang tanong sa kung saan humuhugot ang gag show ng kanilang inspirasyon sa gags at sketch nila every Friday night.

Wika ni Bitoy, “Laging natatanong sa amin 'yan everytime mayrung anniversary or special event sa Bubble Gang.

"Ang inspiration talaga is 'yung society, kung ano 'yung kayo ngayon, 'yung audience namin nanonood. Kayo 'yung inspirasyon namin.

“Nagiging observer lang kami. Pinapanood lang namin, pinapakinggan namin kung ano 'yung uso ngayon, kung ano 'yung mga gusto n'yo at 'yun 'yung ibibigay namin.”

Isang trivia rin ang binulgar ng multi-awarded comedian nang tanungin siya ni Paolo kung may pagkakataon na bang umulit sila ng gags sa loob ng mahigit dalawang dekada.

'Bubble Gang' ladies, may mga pagkakataon bang nagiging 'uncomfortable' sa mga ginagawang eksena sa gag show?

Buong pagmamalaking sinabi ni Michael V., na siya din tumatayong creative director ng Bubble Gang, na hindi sila umuulit ng gags nila.

Aniya, “Parang zero. Mayroong magkakahawig, pero magkakaiba pa rin ng tema. Ibig sabihin, magkakapareho ng backdrop o ng environment pero magkakaiba pa rin.”

Check out the full Kapuso ArtisTambayan webisode below.

Don't miss the epic finale of the 24th anniversary episode of Bubble Gang, 'The ScAvengers' this Friday night, November 22 after One of The Baes on GMA Telebabad.

LOOK: 'The ScAvengers' shoot with Yorme Isko Moreno