Showbiz News

Magpakailanman presents 'Ang Lolang Mapagbiro: The Josefina Arellano story'



Gina Pareño bilang Lola Pina, tanggap nang tumanda mag-isa!
 
Para sa isang Pilipino, importante na maging buo ang pamilya - kahit pa gaano kahirap ang buhay.

Kaya naman pangkaraniwan nang makakita ng mga pamilyang binubuo ng mga lolo hanggang apo. Hanggang kakayanin, walang maihiwalay sa isang pamilya.
 
Pero paano kung ang isang lola ay wala nang pamilyang pupuntahan?
 
Ngayong Sabado, kilalanin natin si Lola Pina: ang palabirong lola na sumikat online dahil sa kaniyang pagpapatawa - at naging laman ng balita dahil sa kaniyang masayang pagtanggap sa kaniyang naging kapalaran, sa loob ng isang home for the aged!
 
Siya ang lola na kinikilala ngayon bilang si Lola Joke.
 
Pero paano nga ba napunta si Lola Pina sa isang home for the aged? Ano ang kaniyang mga pinagdaanan para marating ang isang masayahing disposisyon sa buhay, kahit na walang pamilyang nag-aalaga sa kaniya? At paano mababago ang kaniyang pagkatao sa kaniyang pagtira sa isang home for the aged?
 
Para bigyang buhay ang kakaibang kuwento ni Lola Pina, Magpakailanman once again taps on veteran actress Gina Pareño na ipakikitang hindi lang siya kilala sa kaniyang madramang mga pagganap.
 
Dahil ngayong Sabado, muli ring ipamamalas ni Ms. Gina Pareño ang kaniyang galing sa comedy!
 
Tuklasin ang mga kuwento sa likod ng mga tawa ni Lola Joke, sa episode na pinamagatang “Ang Lolang Mapagbiro: The Josefina Arellano story,” sa masusing direksyon ni Neal del Rosario, at sa panulat ni Maribel Ilag, mula sa pananaliksik nina Cynthia delos Santos at Rodney Junio.
 
“Ang Lolang Mapagbiro: The Josefina Arellano story,” also stars Charee Pineda, Mel Kimura, Perla Bautista, Anita Linda, Crispin Pineda, Menggi Cobarubias, and Tess Bomb.
 
Magpakailanman airs this Saturday, February 28, pagkatapos ng Pepito Manaloto.