Showbiz News

Betong Sumaya, sinampal ni Gladys Reyes ng pitong beses?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY AEDRIANNE ACAR, GMANetwork.com
 
Seven solid slaps!
 
Pinaka-memorable raw para sa Kapuso comedian na si Betong Sumaya ang umaatikabong eksena nila ni Gladys Reyes nang minsan mag-guest ito sa segment niya sa Bubble Gang na Antonietta.
 
Sa panayam sa kanya ng entertainment press sa pocket presscon ng pinakabago niyang show sa Kapuso network na Sabado-badoo natanong siya kung sino sa mga guest stars niya ang pinakamalutong sumampal?
 
Isa raw ito sa hindi niya malilimutang eksena dahil natikman niya ang bagsik ng kamay ni Gladys. Hindi raw bababa sa pitong sampal ang tinamo niya sa kontrabida queen.
 
WATCH: Binagyo si Antonietta!
 
Aniya, “Si Gladys Reyes po. Pito po kasi ‘yung sampal niya eh. Kasi 'pag bino-blocking po namin. Blocking lang, pero ‘yung sampal, hindi na na-rehearse eh.”
 
“Minsan po kasi totoo na po ‘yung reaksyon ko dun eh. 'Yung lumalabas parang 'Aray!' Ang liit ng kamay ang bigat naman [laughs].”
 
Ilan sa mga naging guests ni Betong sa Antonietta ay sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Celia Rodriguez, Gloria Romero, Ms. Jaclyn Jose, Chandra Romero at Odette Khan.
 
PHOTOS: Move over Marian: A new Primetime Queen is in town!
 
Bagamat nasasaktan, game na game pa rin si Betong na gawin ang Antonietta.
 
Dagdag pa ng Sabado-badoo host, bilib na bilib siya sa mga writers ng Bubble Gang dahil alam ng mga ito ang kiliti ng masa.
 
“Pero okay naman po. Kasi ‘yun po ‘yung role kasi kailangan pong sampalin” saad ni Betong.
 
“Ang gagaling po ng writers ng Bubble Gang eh. Hindi lang sila nagpapatawa.”