Showbiz News

Nahuli si Marian Rivera?

By AEDRIANNE ACAR
 
Hindi niyo dapat palampasin mga Kababol ang episode this Friday, March 13, sa longest running gag show ng bansa, Bubble Gang!
 
Dahil guest sa Bubble Gang ang nag-iisang Primetime Queen Marian Rivera.
 
 
Tiyak hindi niyo mapipigilan tumawa lalo na makakasama ni Marian sa isang skit ang mga Bubble Gang boys na sina Paolo Contis, Juancho Trivino, Betong Sumaya at Moymoy.
 
Makakaharap din ni Mrs. Dantes ang world-renowned fashion designer na tumahi ng kanyang dream wedding gown na si Michael Five. Sino raw?
 
Dapat niyo rin abangan ang mga payo ng pambansang ermitanyo na si Tata Lino at mas mag-iinit ang gabi niyo dahil magpapasiklab muli ang mga Bubble Shakers sa sexy dance nila.
 
Kaya i-cancel niyo na ang mga lakad niyo this Friday night at manood ng Bubble Gang pagkatapos ng Second Chances.