Showbiz News

Boy 2 Quizon to comedians: ‘No to copycats!’

By AEDRIANNE ACAR
 
No to imitation. Push for originality! 
 
Ito ang payo na ibinahagi ng longtime Bubble Gang star na si Boy 2 Quizon sa lahat nang gustong maging successful comedian.
 
Ayon sa Binatilya star, ito rin daw ang klase ng mindset na gusto nilang makita kapag may mga bago silang miyembro sa most awarded comedy gag show ng bansa.
 
Ani Boy 2, “You have to learn and at the same time you have to believe na ‘yung darating sa ‘yo at ‘yung bago sa ‘yo, ‘yun ‘yung dapat! ‘Yung bago na ikaw lang ‘yung may attack niyan.”
 
“'Ay wow ang galing ni Bitoy, wow I need to be like him.’ Naku! Mali yun!”
 
“You can never be like him. There’s no way you can be like him. If that’s your direction ‘yun ‘yung mali.”
 
Naniniwala ang Kapuso comedian na dapat tumatak sa isipan ng mga aspiring comedians na magkaroon ng sense of originality.
 
Dagdag pa niya, doon daw magaling ang mga creative team na bumubuo sa Bubble Gang.
 
Sa tuwing hinahasa nila ang mga fresh talents ng show ay alam nila kung paano matutulungan sila maging epektibo at mabuo ang kumpiyansa nila sa sarili. 
 
“I think ‘yun ‘yung isang bagay na ginagawa ngayon ng mga tao o creative team dito sa Bubble Gang is knowing that kind of personality na lang binabagay na nila na maaring makakatulong rin doon sa artista 'di ba para [magkaroon] ng kumpiyansa.”