Showbiz News

Mark Herras, walang pakialam sa hitsura bago mag-StarStruck

By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Carefree at happy-go-lucky na bata raw si Mark Herras bago siya sumali ng season one ng StarStruck. Para sa kanya, ordinaryo lang ang buhay niya noon.
 
“Normal guy ako dati na pumapasok sa school, nag-aaral, naglalaro. Wala akong pakialam sa hitsura ko and the way ako magbihis,” sabi niya.

Meet former 'StarStruck' contestant Edward Benosa.
 
Dahil palagi siyang nasa harap ng camera, natutunan niyang mag-ayos ng sarili. “Hindi na ko puwede humarap sa mga tao na naka-sando at shorts lang. Hindi na ko puwede umalis ng bahay na mukha akong dugyot,” kuwento niya.
 
Maliban sa naging mas maayos ang kanyang pananamit, umayos din daw ang kanyang pakikisalamuha sa ibang tao.
 
“’Di lang [nagbago buhay ko] sa pananamit [pero pati rin] sa pakikitungo sa tao, pag-handle ng mga bagay,” dagdag ng season one Ultimate Male Survivor.
 
Ayon kay Mark, nagbago raw talaga ang lahat nang dahil sa show at hindi niya makakalimutan kung paano siya pinabuti ng kanyang mga pinagdaanan doon.
 
“Tinuruan ako ng StarStruck at ng showbiz para mag-mature in a good way at gumawa ng mas maraming tama,” aniya.