advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Meet the cast of Lakorn series 'Love Beyond Time'

1 of 10

Leonardo

Ang award-winning actor na si Mario Maurer ang gumaganap sa karakter ni Leonardo, mula sa nakaraan at prinsipe ng Lanna Empire. Nakatakda siyang ikasal kay Rosemarie (Sara Legge) na isa ring maharlika pero iibig kay Vanessa (Davika Hoorne) na mula sa kasalukuyan.

2 of 10

Vanessa

Si Davika Hoorne ang gumaganap sa karakter ni Vanessa na mula sa kasalukuyan. Dahil sa paulit-ulit na pagtataksil ng kanyang asawa, pinili ni Vanessa na hiwalayan ito at manirahan na lamang sa kanilang probinsya. Dito niya matutuklasan ang mahiwagang kama na magdadala sa kanya sa nakaraan kung saan naroroon si Leonardo (Mario Maurer).

3 of 10

Leonardo at Vanessa

Bago pa man magkita sina Leonardo at Vanessa sa nakaraan, palagi nang nasa panaginip ni Leonardo ang mukha ni Vanessa. Dahil sa palaging napapanaginipan, hindi na malimutan ni Leonardo ang mukha ni Vanessa at palagi na niya itong iginuguhit sa papel.

advertisement
4 of 10

Rosemarie

Si Sara Legge ang gumaganap sa karakter ni Rosemarie, isang prinsesa na nakatakdang ikasal kay Leonardo (Mario Maurer). Gagawin ni Rosemarie ang lahat para hindi maagaw ng iba ang kanyang minamahal.

5 of 10

Isabel

Si Prang Kannarun Wongkajornklai ang gumaganap sa karakter ni Isabel, na naging kapatid ni Leonardo (Mario Maurer) matapos na mapangasawa ng kanyang ina ang hari, na ama ni Isabel. Pilit na tatakasan ni Isabel si Oscar (Jason Young), ang lalaking nakatakdang ikasal sa kanya, at ipaglalaban ang pag-ibig kay Samuel (Apo Nattawin Wattanagitiphat).

6 of 10

Samuel

Si Apo Nattawin Wattanagitiphat ang gumaganap sa karakter ni Samuel, ang matalik na kaibigan ni Leonardo (Mario Maurer). Handang ipaglaban ni Samuel ang pag-ibig kay Isabel (Prang Kannarun Wongkajornklai) kahit buhay pa nito ang maging kapalit sa pagharap kay Oscar (Jason Young).

advertisement
7 of 10

Isabel at Samuel

Sa pagtakas ni Isabel sa nakatakdang kasal kay Oscar, hindi lang ang buhay nito ang malalagay sa panganib kung hindi maging ang mga mahal niya sa buhay.

8 of 10

Oscar

Si Jason Young ang gumaganap sa karakter ni Oscar, ang lalaking ipinagkasundong mapangasawa ni Isabel. Kilala si Oscar sa pagiging ganid nito sa kapangyarihan. Gagawin ni Oscar ang lahat para maikasal kay Isabel (Prang Kannarun Wongkajornklai).

9 of 10

Jet

Si Punjan Kawin Imanothai ang gumaganap sa karakter ni Jet, ang asawa ni Vanessa (Davika Hoorne) at ang paulit-ulit na magtataksil sa huli sa kasalukuyan.

advertisement
10 of 10

Vanessa at Jet

Dahil sa labis na pagmamahal ni Vanessa para kay Jet, kahit na ilang ulit na niyang nahuling nagtaksil ang asawa ay pinapatawad niya pa rin ito.