Showbiz News

Rufa Mae Quinto's 'Let it Go, go go' trends in Thailand

By Aimee Anoc

Hindi naitago ni Rufa Mae Quinto ang saya nang mag-viral maging sa Thailand ang nakatutuwang version niya ng hit Disney song na "Let It Go."

Napanood noong Linggo, September 11, sa All-Out Sundays ang nakaaaliw na performance na ito ng sexy comedienne kasama sina Thea Astley at Mariane Osabel.

Sa Instagram, nagpasalamat si Rufa Mae sa mga tagahanga sa Thailand na nag-post at share ng kanyang "Let It Go, go go" sa Twitter.

"I love you Thailand for making let it go go go medley song a trending here! I woke up and teary eyed of tears of joy joy joy in deep deep inside of my heart! Go go go chase your dream," sulat ng aktres.

Ang "Let It Go, go go" post ni @hlblb mula sa Bangkok ay umabot sa mahigit 612,000 views, 33,400 retweets, at 13,900 likes as of writing.

Marami rin sa Filipino fans ni Rufa Mae ang natuwa sa all-out na performance niyang ito.

Samantala, patuloy na mapapanood si Rufa Mae sa family sitcom na Tols, tuwing Sabado, 7:00 p.m. sa GTV.