advertisement
Showbiz News

Get to know promising dramatic actress Shayne Sava

1 of 10

Shayne Sava

Nakilala sa showbiz si Shayne Sava, tubong Binangonan, Rizal, nang sumali siya sa 'StarStruck' Season 7 na ipinalabas noong 2019. Siya at si Kim De Leon ang itinanghal nitong winners.

2 of 10

Ultimate Survivors

Iginawad kay Shayne ang titulong Ultimate Female Survivor, samantalang si Kim De Leon naman ang nag-uwi ng titulong Ultimate Male Survivor.

3 of 10

Birthday

Ipinanganak si Shayne noong May 16, 2002. Labingpitong taong gulang pa si Shayne noong sumali siya 'StarStruck.'

advertisement
4 of 10

Family

Aminado si Shayne na produkto siya ng broken family. Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay anim na taong gulang lang.

5 of 10

Management

Kasama sa prize package ni Shayne sa 'StarStruck' ang management contract sa GMA Artist Center, ngayon ay Sparkle.

6 of 10

Legal Wives

Napabilang si Shayne sa star-studded cast ng 2021 GMA cultural primetime series na 'Legal Wives.' Dito ay ginampanan niya ang karakter na Jamilah na mula sa mayamang angkan ng Makadatu. Nakasama ni Shayne dito ang kapwa 'StarStruck' batchmate niyang si Abdul Raman.

advertisement
7 of 10

Love team

Dahil sa kanilang chemistry, kinilala ang tandem nina Shayne at Abdul bilang isa sa limang Sparkle sweethearts.

8 of 10

Raising Mamay

Mahigit dalawang taon matapos tanghaling 'StarStruck' Season 7 Ultimate Female Survivor, nabigyan agad ng lead role si Shayne sa pamamagitan ng GMA afternoon drama na 'Raising Mamay.' Dito ay ginagampanan niya ang role ni Abigail, isang maalaga at mapagmahal na anak sa kanyang nanay na si Letty na na-diagnose ng regressive behavioral disorder kaya siya ang tumatayong guardian nito. Si Aiai Delas Alas ang nagbibigay-buhay sa papel na Letty, na "Mamay" kung tawagin ni Abigail.

9 of 10

Appearance

Nakadagdag ang kanyang maamong mukha sa pagiging effective ng kanyang pagganap sa heartwarming drama.

advertisement
10 of 10

Dramatic actress

Bagamat baguhan pa lang sa industriya, marami na ang humahanga kay Shayne dahil sa kanilang nakakaantig na eksena ni Aiai sa 'Raising Mamay.'