Sa darating na September 5, 2022, magsisimula na ang pinakaaabangang bagong GMA afternoon drama series na 'Abot Kamay Na Pangarap.'
Pagbibidahan ito ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Ngunit bukod kina Carmina at Jillian, sinu-sino pa kaya ang mapapanood sa bagong Kapuso serye? Kilalanin ang buong cast sa gallery na ito:
Lumaking mahirap at hindi nakapag-aral ngunit sanay magbanat ng buto.
Siya ang mapagmahal na ina ni Analyn (Jillian Ward) na isang car washer at helper sa umaga at flower seller naman tuwing gabi.
Ang matalino, matulungin, at mapagmahal na anak ni Lyneth (Carmina Villarroel). Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral at maging isang surgeon.
Matalino at kilalang neurosurgeon na nagmula sa pamilya ng mga doktor.
Asawa ni Moira Tanyag, ang karakter na gagampanan ni Pinky Amador.
May-ari ng isang auto shop. Matulungin, loyal, at simpatiko.
Magaan ang loob niya sa mag-ina na sina Lyneth at Analyn.
Ang gaganap na batang Analyn. Siya ay masipag at may taglay na katalinuhan.
Ang gwapo, charming at Junior neurosurgery resident. Siya ay mabait sa mga pasyente kaya naman marami ang nagkakagusto sa kaniya.
Philanthropist, restaurant owner, at nagmula sa mayamang pamilya na nagmamay-ari ng mga ospital.
Siya ang asawa ni Dr. RJ Tanyag (Richard Yap) at ina ni Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi).
Anak nina RJ (Richard Yap) at Moira Tanyag (Pinky Amador).
Pangarap niyang maging doktor katulad ng kaniyang ama.
Ang mukhang pera at salbaheng madrasta ni Lyneth. Masakit magsalita at hilig niyang sumbatan ang mag-ina na sina Lyneth at Analyn.
Siya ang matalik na kaibigan ni Lyneth. Ang palabiro at mabait na ninang ni Analyn na isa ring masipag na fishball vendor.
May-ari ng isang photocopy stall sa likod ng isang eskuwelahan.
Ang magiging asawa ni Josa (Wilma Doesnt) at magiging kaibigan na rin ni Lyneth (Carmina Villarroel).
Janitor sa ospital kung saan resident doctor si Analyn Santos (Jillian Ward).
Siya ay magiging kaibigan ni Analyn at kalaunan ay mahuhulog ang loob niya sa dalaga.
Kapwa neurosurgeon at malapit na kaibigan ni Dr. Robert Tanyag (Richard Yap).
Estrikto, masungit, ngunit isa sa pinakamagaling na doktor sa Apex Med. She expects the best from her junior residents sa ospital.
Ang mukhang masungit pero mabait na nurse sa Apex Med.
Siya ay may pagkataklesa ngunit dedicated sa kaniyang trabaho.
Early 30s, gay, mahilig sa chismis, at opinionated na nurse.
Siya ay maabilidad at masipag sa kaniyang trabaho.
Junior resident ng general surgery. Cocky at mukhang mayabang pero palabiro. He values seniority experience kaya wala siyang bilib kay Analyn Santos (Jillian Ward).
First year general surgery resident na graduate mula sa ibang university.
Siya ay matalino pero kikay at bubbly. Matutuwa at hahangaan niya si Analyn (Jillian Ward) dahil at a young age ay doktor na ito.
Kaibigan at kaklase ni Analyn (Jillian Ward) sa med school. May kaya sa buhay ngunit mabait at supportive siya sa kaniyang mga kaibigan lalo na kay Analyn.