Showbiz News

Kapuso stars nominated in 38th Gawad Urian

By BEA RODRIGUEZ
 
Iba talaga ang likas na talento ng mga Kapuso stars na bumida sa kani-kanilang pelikula dahil hinirang sila sa iba’t-ibang kategorya ng award ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa 38th Gawad Urian Awards sa ika-16 ng Hunyo.
 
Nakarami na ng Best Actor awards ang dakilang aktor na si Dennis Trillo at hinirang pa rin siya sa ganung kategorya para sa kanyang pagganap ng title role
sa indie film na 'The Janitor.'
 
READ: Dennis Trillo pairs with Maja Salvador in new movie 
 
Apat na beteranong Kapuso stars naman ang hinirang bilang Best Actress.
 
Unang beses pa lamang ni Let the Love Begin star Aiai Delas Alas na sumabak sa mundo ng independent films bilang dramatic actress sa 'Ronda' na naging kalahok sa Cinemelaya 2014.
 
READ: Aiai Delas Alas thanksgiving concert a success 
 
Nakatanggap naman ng international nominations at awards ang 'Barber’s Tales' na pinagbibidahan ng Celebrity Bluff host na si Eugene Domingo. Nanalo siya ng Best Actress sa 2013 Tokyo International Film Festival, 2014 Madrid International Film Festival at hinirang ngayong taon sa parehong kategorya.
 
Ang kontrabidang si Eula Valdez ng The Half Sisters ay hinirang din sa kategorya sa pangunguna niya ng 'Ðagitab' na naging kalahok din sa Cinemalaya 2014 at sa New Breed category naman ang Pepito Manaloto star na si Nova Villa para sa '1st ko si 3rd.'
 
Bumida naman sina Buena Familia star Martin del Rosario ng 'Dagitab' at The Half Sisters actress Barbie Forteza ng 'Mariquina' para masungkit ang 'Best Supporting Actor/Actress' na titulo.
 
READ: Barbie Forteza, umaming name-miss si Derick Monasterio 
 
Mga kasabayan ng young stars sa ganung kategorya sina My Mother’s Secret actress Shamaine Buencamino ng 'Barber’s Tale,' Yagit actress Alessandra de Rossi para sa 'Mauban: Ang Resiko' at ang kontrabida star sa Let the Love Begin na si Gladys Reyes na gumanap sa 'Magkakabaung.'