Showbiz News

Rhian Ramos and Glaiza de Castro, boses ng LGBT community

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sunod-sunod ang papuri ng mga taga-suporta sa teleseryeng The Rich Man’s Daughter na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.

At tila nagsisilbi na rin silang boses ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community dito sa Pilipinas.
 
READ: Glaiza de Castro, hinarana si Rhian Ramos 
 
Inspirasyon nila ang mga taong nakaka-relate sa kuwento ayon kay Rhian, “Lalo ding nakaka-inspire na alam namin 'yung kuwento na ginagawa namin [ay] totoong nangyayari. Ayun nga, hindi siya fantasy ‘di ba? It’s trying to be realistic as possible so para sa amin nakaka-inspire kasi alam naming may nire-represent kami, that we have to give our best for them, and represent them well. Kasi ‘di ba kung mali, nakakahiya eh. They deserve the best.”
 
Sinang-ayunan din siya ni Glaiza, “Yes, lalo na sa mga tao na hindi nila kayang i-express 'yung sarili nila o hindi nila kayang magsalita for themselves dahil marami silang fears so through this show, kumbaga parang feeling nila hindi sila mag-iisa.”
 
READ: Glaiza de Castro, inspired sa real-life stories ng lesbians 
 
Kabado raw silang gampananan ang papel nila Jade at Althea sa serye dahil baka hindi nila magawa nang maayos.
 
“Ang dami naming fears! Takot kami na hindi namin siya mabigyan ng justice pero ngayon na nanggagaling mismo sa kanila parang siniselyohan nila kami na ‘Uy, nakapasok na kami. Okay ‘yan!’,” ani Glaiza tungkol sa kanilang pagganap sa makabuluhang kuwento.
 
READ: Rhian Ramos, leading man ang trato kay Glaiza de Castro
 
Dagdag pa ni Glaiza, “Mas nacha-challenge nga kami kung ano man ang mangyayari kasi kumbaga napasukan na namin siya at 'yung fear na lang namin ay kung paano talaga namin magagawa pa nang mas maayos kaysa doon sa una nilang nakita. Kumbaga, siyempre may mga expectations na and meron nang followers. Ayaw naman namin silang ma-disappoint dahil lang sa isang eksena na hindi namin nagawa nang maayos so kung may fear man, ‘yun lang siguro.”
 
Palalim nang palalim ang kuwento ng The Rich Man’s Daughter kaya huwag na huwag palampasin ang bawat episode sa GMA Telebabad.