Showbiz News

Julie Anne San Jose, confident na magiging effective ang love team nila ni Jake Vargas

By AL KENDRICK NOGUERA
 
"Hindi na po kasi bago kasi nagkakatrabaho na po kami sa Pepito Manaloto," 'yan ang pahayag ni Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose nang inanunsyo niyang mas madalas nang mapapanood ang tambalan nila ni Jake Vargas sa upcoming Afternoon Prime soap na Buena Familia.
 
READ: Julie Anne San Jose is a spoiled rich kid in 'Buena Familia'
 

Halos araw-araw nang mapapanood ang JaLie love team kapag nagsimula nang umere ang pinakaaabangang teleserye.
 
Ayon kay Julie Anne, siguradong hindi na sila mahihirapan ni Jake dahil matagal na rin silang nagkakatrabaho. "Hindi na rin po mahirap na mag-adjust kasi nakakasama ko naman po si Jake. Tapos minsan nagkikita rin po kami sa Sunday All Stars," saad niya.
 
Confident ding sinabi ni Julie Anne na magiging effective ang love team nila sa Buena Familia. "Magwo-work po 'yon kasi may fan na rin po kaming dalawa ni Jake kasi dahil nga po roon sa Pepito Manaloto," pahayag niya.
 
Kuwento pa ni Julie, hindi naman daw siya mapili kung sino ang itatambal sa kanya. "Kahit naman pong sinong makapareha ko, okay lang po sa 'kin. Wala po talagang problema 'yon. Saka open naman po ako sa lahat saka ayoko lang po na ma-stuck sa isa lang," pagtatapos niya.
 
READ: "Silently, umiiyak ako" - Julie Anne San Jose's reaction to her bashers