advertisement
Showbiz News

Kapuso artists who played more than one role in a series

1 of 19

Dennis Trillo 

Labis na hinangaan si Dennis Trillo dahil sa kanyang pagganap bilang Crisostomo Ibarra sa pinag-usapang GMA primetime series na 'Maria Clara at Ibarra' na base sa mga mga nobela ni Jose Rizal na 'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo.' Sa pagtawid ng historical portal fantasy series sa 'El Filibusterismo,' nagbago rin ang karakter ni Dennis. Nag-disguise ang maginoong si Ibarra para maghiganti matapos akalain ng marami na siya ay patay na. Mula sa maikli at maitim na buhok, nagpakilala si Ibarra bilang Simoun, isang alaherong may mahaba at maputing buhok, balbas, at may suot na asul na salamin. Sa huling episode ng 'Maria Clara at Ibarra,' gumanap si Dennis sa isa pang role na si Barry Torres, na teacher sa tunay na mundo.

2 of 19

Maria Clara at Ibarra

Sa pagtawid ng historical portal fantasy series sa 'El Filibusterismo,' nagbago rin ang karakter ni Dennis. Nag-disguise ang maginoong si Ibarra para maghiganti matapos akalain ng marami na siya ay patay na. Mula sa maikli at maitim na buhok, nagpakilala si Ibarra bilang Simoun, isang alaherong may mahaba at maputing buhok, balbas, at may suot na asul na salamin. Sa huling episode ng 'Maria Clara at Ibarra,' gumanap si Dennis sa isa pang role na si Barry Torres, na teacher sa tunay na mundo.

3 of 19

Jennylyn Mercado

Tatlong roles ang ginampanan ni Jennylyn Mercado sa 2014 drama thriller na 'Rhodora X' kung saan nakilala siya bilang bida-kontrabida.

advertisement
4 of 19

 Rhodora X

Sa 'Rhodora X,' nakabuo ng dalawang katauhan ang main character ni Jennylyn na si Rhodora--sina Roxanne at Rowena--sanhi ng dissociative identity disorder (DID). Dulot ito ng isang matinding trauma noong siya ay bata pa lang. Ito ang paraan ni Rhodora para matakasan ang matinding pinagdaanan at para makaganti sa nang-api sa kanya.

5 of 19

Ken Chan

Inspired naman sa kwento ng 'Rhodora X' ang seryeng ginawa ni Ken Chan noong 2021 na 'Ang Dalawang Ikaw.' May DID din ang main character ni Ken dito na nagngangalang Nelson, isang introvert na graphic designer na bagong kasal.

6 of 19

Ang Dalawang Ikaw

Sa 'Ang Dalawang Ikaw,' ibang-iba ang personalidad ni Nelson sa alter nitong si Tyler, na isang gun dealer. Dahil sa ibang persona ni Nelson, nagkaroon siya ng kasintahan. Naging komplikado ang sitwasyon ni Nelson dahil sa kanyang hindi intensyong pakikiapid. Lalo pang mas naging kapana-panabik ang kwento sa pagpasok ng bagong katauhan ni Nelson na si Maj. Dominiano "Major A" Alberto na nabuo rin niya sa kanyang isip.

advertisement
7 of 19

Andrea Torres

Ni-remake ni Andrea Torres ang dual roles ni Tanya Garcia sa 2012 afternoon drama na 'Sana Ay Ikaw Na Nga,' na adaptation ng 2001 series na may parehong pamagat. Sa serye, lumabas si Andrea bilang Cecilia at Olga. Ginaya ni Olga (Chynna Ortaleza) ang itsura ni Cecilia sa pamamagitan ng plastic surgery matapos masunog ang kanyang mukha para pigilan ang pagpapakasal ni Cecilia kay Carlos Miguel (Mikael Daez).

8 of 19

Andrea Torres in 'The Better Woman'

Ipinakita naman ni Andrea Torres ang kanyang pagiging sultry actress sa 2019 sexy drama na 'The Better Woman,' kung saan gumanap siya bilang Jasmine at Juliet, na long-lost twin sister ni Jasmine na isang exotic pole dancer. Nasangkot sa isang forbidden love affair si Juliet at ang asawa ng kanyang kapatid na si Andrew (Derek Ramsay).

9 of 19

Bianca Umali 

Nasubok ang galing ni Bianca Umali sa pag-arte nang gampanan niya ang dalawang magkaibang role sa 2017 supernatural series na 'Kambal, Karibal' na ipinalabas sa GMA Telebabad. Binigyang-buhay niya sa serye ang role na Crisan, isang mabait at mapagmahal na dalaga sa kanyang pamilya.

advertisement
10 of 19

Kambal, Karibal

Sa 'Kambal, Karibal,' mahal na mahal ni Crisan ang kanyang kakambal na si Crisel (Pauline Mendoza) na namatay sanhi ng severe combined immunodeficiency. Dahil sa tema ng serye, muling nagbalik si Crisel pero bilang isang multo na nagpaparamdam kay Crisan. Nauwi naman sa inggitan ang kanilang samahan dahil pareho nilang gusto ang binatang si Diego (Miguel Tanfelix) pero nagpaubaya si Crisan. Dahil sa pambubuyo ng masamang espiritu na si Black Lady (Roence Santos), sinapian ni Crisel ang sariling kapatid.

11 of 19

Kyline Alcantara

Ang 'Kambal, Karibal' ang unang seryeng ginawa ni Kyline Alcantara sa GMA Network. Nakilala siyang "La Nueva Kontrabida" nang lumabas sa serye bilang Cheska.

12 of 19

Kambal, Karibal

Sa kwento, nagkapalit-palit ang mga kaluluwa nina Cheska, Crisan, at Crisel na lalong nagpakita ng acting abilities ni Kyline hindi lang bilang isang antagonist.

advertisement
13 of 19

Kate Valdez

Lima ang roles ni Kate Valdez sa katatapos lang na GMA Afternoon Prime series na 'Unica Hija.' Mapangahas ang tema ng serye na tumalakay sa human cloning.

14 of 19

Unica Hija

Ang main character ni Kate sa 'Unica Hija' na si Hope ay clone ni Bianca, yumaong anak ng isang scientist. Hindi lang isa, kundi may tatlo pang clones na matagumpay na nabuo na mula rin sa DNA ni Bianca kaya sila ay magkakamukha. Ito ay sina Fatima (ang rebelde sa lahat ng clones), Charity, (ang nerdy but charming na clone), at Agape (ang clone na walang interes sa kahit anong bagay dahil naniniwala siyang walang lugar sa mundo ang tulad niyang clone).

15 of 19

Dingdong Dantes in 'I Can See You: AlterNate'

Bumilib ang viewers sa transformation ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa GMA primetime mini-series na 'I Can See You: Alternate.' Napanood dito ang pagkakaiba ng mga personalidad ng mga character niyang sina Nate at Michael, magkakambal. Prim at proper si Nate, samantalang rough at rugged naman si Michael. Nagsimula ang conflict sa kwento matapos hindi mamalayan ng asawa ni Nate na si Sheila (Beauty Gonzalez) na nahulog siya sa ibang tao--kay Michael--dahil kamukhang-kamukha nito ang mister niya. Ito marahil ang unang GMA series na kumuha ng isang stand-in na isang artista rin. Si Dion Ignacio ang gumanap bilang co-actor double ni Dingdong sa partikular na 'I Can See You' installment na ito.

advertisement
16 of 19

Zoren Legaspi in 'Mga Lihim Ni Urduja'

First time ni Zoren Legaspi na gumanap sa dalawang karakter sa isang teleserye sa pamamagitan ng current GMA Telebabad series na 'Mga Lihim ni Urduja.' Dito ay gumaganap siyang Maestro Marius, ang leader ng Team Urduja, at Chairman Marcel, ang leader ng Team Bounty Hunters. Sa isang panayam ng GMANetwork.com, tinanong namin kung sino ang mas paborito ng aktor sa dalawa pero tila nagpahiwatig siya na may isa pang siyang karakter na dapat abangan. “Mayroon pang isa,” natatawang sabi niya. "Mas misteryoso si Chairman. Pero si Maestro, mayroon ding secret character pang hindi nailalabas. So, parehong nakakaintriga silang dalawa.”

17 of 19

Heart Evangelista in 'Luna Mystika'

Kakaiba ang dual roles na binigyang-buhay ni Heart Evangelista sa 2008 drama fantasy series na 'Luna Mystika' kung saan gumanap siyang Luna, isang babaeng may deformities ang mukha, at Celestina, isang anino. Tuwing nagkakapalit sila ng itsura, nagta-transform si Celestina sa isang magandang babae.

18 of 19

Sunshine Dizon in 'Impostora (2007)'

Matapos ang 'Encantadia,' muling nagsama sina Sunshine Dizon at Iza Calzado sa 2007 series na 'Impostora.' Dito ay pareho silang gumanap sa dalawang karakter. Lumabas si Iza bilang Lara at Sara, magkakambal, samantalang gumanap naman sa kontrabida role si Sunshine na si Vanessa, pinsan ng kambal. Nasira ang mukha ni Sara dahil sa aksidente kaya inirekomenda sa kanya ni Vanessa at nobyo nitong si Leandro (Adrian Alandy) na magpa-plastic surgery. Hindi alam ni Sara na mukha pala ni Vanessa ang gagamitin sa kanya para matakasan ng huli ang asawa niyang si Nick (Mark Anthony Fernandez).

advertisement
19 of 19

Kris Bernal in 'Impostora (2017)'

Magkaibang personalidad ang dalawang roles ni Kris Bernal sa GMA Afternoon Prime series na 'Impostora' na ipinalabas noong 2017. Tampok siya rito bilang si Nimfa, isang ugly street vendor na kusang loob na sumailalim sa plastic surgery at facial reconstruction para magpapanggap na si Rosette, isang mayaman ngunit hindi masayang maybahay. Tinanggap ito ni Nimfa para matakasan ni Rosette ang asawang si Homer (Rafael Rosell). Minahal naman ni Homer at mga anak nila ni Rosette si Nimfa pero, kung kailan masaya na si Nimfa sa bago niyang buhay, nagbalik ang tunay na Rosette para bawiin ang pamilya niya.