Kumpirmado nang mapapanood ngayong 2023 bilang magka-loveteam ang ABS-CBN's Daytime Drama Queen na si Julia Montes at Asia's Multimedia Star at Kapuso actor na si Alden Richards.
Nito lamang Martes, April 18, 2023, sa B Hotel sa Quezon City, ginanap ang media conference para sa kanilang movie na 'Five Break-ups and a Romance.'
Kasunod nito, naging trending sa social media ang movie reveal ng naturang event.
Silipin ang ilan sa mga naging kaganapan sa mediacon ng kauna-unahang movie na pagtatambalan nina Julia at Alden sa gallery na ito.
Ready na ba kayo sa first team up nina Julia Montes at Alden Richards?
Masayang sinagot nina Julia Montes at Alden Richards ang ilang mga tanong mula sa press.
Kahit sa media conference pa lang, kitang-kita na ang natural chemistry nina Julia Montes at Alden Richards.
Kahit first time maging makatrabaho nina Julia Montes at Alden Richards, kapansin-pansin na komportable na agad sila sa isa't isa.
Sa mismong event, inamin ni Alden Richards na na-excite siya na makatrabaho si Julia Montes simula nang malaman niya na makakatambal niya ang aktres.
Inilarawan pa ni Alden Richards si Julia Montes bilang isang brilliant actress. Aniya, “Na-excite ako with the idea of me being paired with Julia kasi I know how brilliant of an actress she is.”
Ayon kay Julia Montes, honored at happy siya na makatrabaho ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Ayon kay Alden Richards, dahil sa movie na ito ay mas naging open siya sa unusual at mas mabibigat pang roles bilang isang aktor.
Alden Richards at Julia Montes, kasama ang butihing writer at director ng 'Five Break-ups and a Romance' na si Direk Irene Villamor.
Bago pa ang 'Five Break-ups and a Romance' kilala na si Direk Irene Emma Villamor sa ilan pang mga palabas.
Si Direk Irene ang nasa likod ng mga pelikulang 'Sid & Aya,' 'Meet Me in St. Gallen,' 'On Vodka, Beers, and Regrets,' at iba pa.
Present sa media conference ang producers ng movie na sina (mula sa kaliwa) Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo, GMA Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Groups Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA's First Vice President of Program Management Department Joey Abacan, Former Star Cinema Managing Director Malou N. Santos, at Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo.
Spotted sa naturang event ang ilang GMA Executives na sina GMA Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Groups Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA's First Vice President of Program Management Department Joey Abacan, and Assistant Vice President for Sparkle Joy Marcelo.
Si Martin Javier ang host sa media conference ng upcoming movie.
Ang romance-drama movie na 'Five Break-ups and a Romance' ay tungkol sa complexities ng pakikipagrelasyon.
How many times will you try for love?
Sabay-sabay nating abangan at panoorin ang 'Five Break-ups and a Romance' ngayong 2023!