Showbiz News

LJ Reyes, kinumpirmang sila na ni Paolo Contis?

By CHERRY SUN
 
Nagtapos na ang afternoon drama na Yagit kahapon (July 24).  
 
Mami-miss man ni LJ Reyes ang mga nakasama niya sa programa ay tila masaya naman ito dahil sa napapabalitang relasyon niya sa kanyang co-star na si Paolo Contis.
 
“[’Yung] mga bata. Nakaka-miss din kasi. Kahit sa bahay kunwari walang bata, ‘di ba hahanap-hanapin mo,” ani LJ sa panayam ng 24 Oras.
 
WATCH: Yagit: Ang pagwawakas
 
In a relationship na nga ba ang hot momma at si Paolo?
 
“Ay, hindi ko alam,” ang natatawang sagot ng aktres.
 
“Kilala ko naman si Pao ever since eh. Tingnan natin, abangan natin sa mga susunod na araw, o buwan, taon. Tingnan natin ‘yan. We’ll see, we’ll see,” dagdag din niya.
 
Hindi man ito kinumpirma o tinanggi ni LJ ay tila nagpahiwatig naman siya.
 
Wika niya, “Baka naman sabi ni Lord, ‘O okay, tapos ka na. Nakapag-concentrate ka na sa Yagit. Baka puwede na akong magpadala.'”
 
Masaya rin si LJ sa pagbahagi ng naging karanasan niya sa ika-50 na Karlovy Vary International Film Festival sa Czech Republic. Mainit daw ang naging pagtanggap sa kanila na kumatawan sa pinagbidahan niyang indie film na Anino sa Likod ng Buwan.
 
READ: LJ Reyes, tanging artistang Pinoy sa 50th Karlovy Vary International Film Festival
 
“After ipalabas ‘yung film, merong Q&A.Talagang ma-fi-feel mo na ‘yung kahit hindi siya ‘yung nagtanong, ‘yung ibang audience kapag sumasagot ka talagang nakatingin sila. Talagang they’re listening very intently,” pahayag nito.
 
Video courtesy of GMA News