Showbiz News

Eugene Domingo, nagselos kay Yaya Dub?

By BEA RODRIGUEZ
 
May hinala ang Celebrity Bluff host na si Eugene Domingo na pinagtataksilan siya ng kanyang Pambansang Manliligaw na si Jose Manalo dahil ilang linggo siya nawala para mag-aral abroad tapos pagbalik niya ay hindi kanais-nais ang mga naabutan niyang pangyayari.
 
READ: Eugene Domingo finds Jose Manalo very “appealing” 
 
May kamukha raw si Jose na ikinakasal kahapon, “Nakikita kita! Bagamat hindi mo kamukhang-kamukha pero pinagtataksilan mo ako.”

LOOK: 'Eat Bulaga' Kalye-serye Recap #AlDubAGAINSTALLODDS
 
“Hindi ako ‘yun,” ang tanging sagot ng kanyang manliligaw pero hindi pa rin naniniwala si Uge. Saad ng dalaga, “[Kailangan] ang pagpapaliwanag ng lalaking ito na tinatanggi niyang siya iyon pero sigurado ako, siya iyon. Yak!”
 
Ipinahayag ni Jose na wala siyang dapat ipagpaliwanag dahil hindi totoo ang mga pinagsasabi ng kanyang leading lady, “Ako ba ‘yun? Anong pangalan ng ‘yun? Frankie Arenolli…ang baho ng pangalan! ”
 
Parang mapapaniwala na sana si Uge, “Sa bagay, kasi parang ang baho din ng itsura nun” ngunit hindi pa rin mapalagay sa tahimik ang kanyang mga iniisip, “Siyempre nawala ako ‘di ba? Ta’s makikita ko na lang, ba’t ganun parang kamukha niya tapos pinapakasalan pa? Ano ‘to?”
 
READ: JoGe Love Team: Fact or Bluff 
 
Inisa-isa ni Jose ang pagkakaiba nila ni Frankie na may pekeng kasal kay Yaya Dub kahapon sa Kalye-serye #KiligPaMore ng Eat Bulaga. Aniya, “Tingnan mo ang buhok nun, pina i-straight. Tingnan mo [ang sa akin], kulot. Bukbok oh.”
 
Napaniwala nga naman ni Jose si Uge at tuloy pa rin ang tambalang JoGe. Niyakap nang mahigpit ni Jose ang kanyang nililigawan at sinabing, “Na-miss ko si Uge. Ayoko [nang umalis ka]. Dito ka lang sa tabi ko ha?”
 
Hinalikan rin ni Uge sa pisngi ang kanyang Pambansang Manliligaw at sinagot, “Na-miss [rin] kita” at sabay nangako ang lalaki sa kanya na, “Nangangako ako, ‘di kita ipagpapalit.”
 
READ: Will Aiai Delas Alas approve of JoGe?