Showbiz News

Samahan ang mga Minions ngayong weekend sa 'Despicable Me' at 'Despicable Me 2'

By MARAH RUIZ
 
Mas mahalaga bang maging super villain o ang maging super dad?
 
Muling tunghayan ang kuwento ni Gru at ng kanyang mga anak na sina Margo, Edith at Agnes, pati na rin ng mga Minions na laging katuwang nila sa kanilang mga adventures sa Despicable Me!
 
Mula sa planong pagkuha ng buwan gamit ang isang shrink ray, magiging ama si Gru ng tatlong bata nang maisipan niyang gamitin ang mga ito sa kanyang mga balak. Hindi niya inaasahang mababago ang buhay niya sa pagkupkop sa tatlong paslit na ito. 
 
Paano mananaig ang pagmamahal sa pamilya para mabago si Gru mula sa pagiging supervillain at maging isang mapagmahal na ama?
 
Samantala tunghayan ang pagpapatuloy ng kuwento ng kanilang pamilya sa Despicable Me 2.
 
Susubukan ng Anti-Villain League na i-recruit si Gru para tulungan silang hanapin ang taong nagnakaw ng PX-41, isang makapangyarihang formula na nakakapagbago ng anyo ng sinumang makahawak nito. 
 
Nag-aalinlangan man siya dahil sa responsibilidad niya sa kanyang mga anak, papagyag din ito. Makakasama niya ang undercover agent na si Lucy Wilde sa paghahanap sa PX-41 at sa nagnakaw nito. 
 
Mukhang mahuhulog pa ang loob ni Gru kay Lucy. Siya na ba ang inang matagal nang pinapangarap nina Margo, Edith at Agnes?
 
Panoorin ang Despicable Me, Sabado, August 29, pagkatapos ng Pepito Manaloto at antabayanan naman ang Despicable Me 2 sa Linggo, August 30, pagkatapos ng Ismol Family.