Showbiz News

Miguel Tanfelix at Bianca Umali, excited sa bagong project

By MARAH RUIZ

 
Talagang isa sa mga pinaka-effective na love teams ang tambalang Miguel Tanfelix at Bianca Umali, o mas kilala sa tawag na BiGuel. 
 
Katunayan nito ng bagong drama project na ibinigay sa dalawang Kapuso teen stars, ang Maybe This Time
 
LOOK: The faces of upsoming drama, 'Maybe This Time'

"Isa po ito sa mga kakaibang show na gagawin namin. Kasi 'di ba pinaghalo namin 'yung kilig at 'yung drama. Pero mas intense 'yung drama," paliwanag ni Miguel.
 
"Hindi lang basta pakilig, pa-cute, patawa. May lalim talaga. Mas intense. Magagamit na namin lalo 'yung mga pinag-aralan namin sa workshop," pagpapatuloy nito. 
 
Ayon naman kay Bianca, hindi nila iiwan ang cute at young image nila na nakasanayan ng kanilang fans sa pagsabak nila sa heavy drama na ito. 
 
"Medyo ganun pa din naman, pero ngayon may halo namang intesified [emotions] 'yung reveal, unlike sa Once Upon a Kiss [na] more on happy and good vibes," ayon sa kanya. 
 
"Ayaw namin alisin 'yung papakiligin namin 'yung mga televiewers. Iiyak [sila] habang good vibes," dagdag ni Bianca. 
 
READ: What happened during BiGuel's fans day?
 
Makakasama nina Miguel at Bianca sa Maybe This Time sina Camille Prats, Alessandra de Rossi, Rochelle Pangilinan, Mark Anthony Fernandez at Neil Ryan Sese. 
 
Maybe This Time, malapit na sa GMA Afternoon Prime.