Showbiz News

WATCH: Bianca Umali at Miguel Tanfelix, aksidenteng nag-kiss sa Kapuso ArtisTambayan

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi sinasadyang mag-kiss sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang guesting sa Kapuso ArtisTambayan.

Bianca Umali at Miguel Tanfelix

Isa sa kanilang nilaro ang "kiss and blow game," kung saan kailangan nilang ipasa ang isang piraso ng papel gamit ang kanilang labi.

Pero bago pa maipasa ni Miguel kay Bianca ay nahulog na ito kaya naman di sinasadyang nagdikit ang kanilang mga labi. Natawa na lang sila sa nangyari.

Panuorin ang nakakakilig na smack nina Miguel at Bianca sa video na ito:

Sina Bianca at Miguel ang featured artist of the month ng Kapuso ArtisTakeover ngayong buwan ng February. Abangan ang parating na videos at iba pang exciting features tungkol kina Sahaya stars Bianca at Miguel sa GMANetwork.com at sa GMA Network Facebook page.