Glaiza de Castro, puspusan ang paghahanda para sa first solo concert
Published On: September 13, 2015, 04:13 PM
Updated On: February 21, 2020, 08:40 PM
By BEA RODRIGUEZ
Excited na ang Kapuso star na si Glaiza de Castro para sa kanyang kauna-unahang solo concert na “Dreams Never End” na gaganapin sa Music Museum sa October 3. Ngunit halos wala nang mabibili na tickets ayon sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras Weekend.
“Nakakatuwa kasi ang daming tumutulong. Madami po talagang nagvo-volunteer to help, and masasabi ko na naging posible siya dahil sa sumusuporta din sa akin,” saad ng actress-singer kaya todo ang kanyang pageensayo.
Kabilang sa kanyang guests ay sina Asia’s Songbird at StarStruck judge na si Regine Velasquez, Aiza Seguerra, Jay-R at ang dating ka-love team na si Rhian Ramos.
Birthday rin daw ng mestiza beauty sa araw ng concert ng dalaga, “Medyong nahihiya nga akong magtanong sa kanya kung pwede siya mag-guest kasi since ang daming nagre-request na masama siya dun kasi in a way, may tribute segment ako sa lahat ng sumuporta sa The Rich Man’s Daughter”.
Nagpapasalamat naman si Glaiza dahil sa suporta na binibigay ng kanyang kapwa artista at ng kanyang mga tagahanga.