Showbiz News

Alden Richards, dinumog sa mall show; Maine Mendoza, kinamusta ang kalagayan niya

By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Libo-libong mga fans ang dumalo sa mall show ni Alden Richards sa Robinson’s Imus noong nakaraang September 11.
 
Sa hindi mapagkakailang kasikatan ng Kapuso actor, singer at host, dinumog siya ng mga fans backstage pagkatapos ng show kaya’t nahirapan itong maka-exit
ng mall.
 
Nag-post ang netizen na si Lexi dela Cruz ng video na kanyang nakuha mula sa insidente.
 
 
“Medyo nagka injury po si Alden dyan. Nagitkit [sic] po kasi nung mga bouncers at sa dami na rin ng fans,” pahayag ni Lexi.
 
Nang mabalitaan ng kanyang ka-love team sa kalye-serye na si Maine Mendoza ang nangyari, agad itong nagpadala ng mensahe sa malapit na kaibigan at tagahanga ni Alden na si Nate Gonzaga.
 
 
Nasa mabuting kalagayan naman si Alden pagkatapos ng insidente at nagpasalamat pa siya sa lahat ng pumunta ng kanyang mall show.