Sanay na ang celebrities na gumanap ng iba't ibang roles sa harap ng kamera, mapa-TV man o pelikula. Ngunit ang pagkakaroon ng iba-ibang roles ay hindi lang nangyayari sa harap ng kamera dahil madalas ay nangyayari rin ito sa likod ng kamera. Isa sa roles na ito ay ang pagiging isang direktor.
May ilan na nabibigyan ng pagkakataong magdirek ng isang eksena o isang episode sa teledrama. Habang ang iba naman ang full time sa pagiging direktor ng isang buong serye o di kaya ay pelikula, concert, o play. Tingnan ang ilan sa celebrities na umupo na rin sa director's chair sa gallery na ito:
Bukod sa pagganap niya bilang si Napoy sa katatapos lang na 'Royal Blood,' panandaliang naupo rin Dingdong Dantes sa director's chair nang kailangan niyang palitan ang kanilang direktor na si Dominic Zapata matapos nito umalis dahil sa isang emergency.
Kinilala na ng Aliw Awards ang husay ni Ice Seguerra sa pagdidirek ng kanyang anniversary concert na 'Becoming Ice,' na itinanghal para sa award na Best Direction for a Concert. Pero bago ito, unang nakilala si Ice bilang director sa 'Drag Race Philippines: Untucked.'
Naupo rin si Sunshine Dizon sa director's chair noong 2021, nang maging director siya ng original online series na 'B&B: The Battle Between Brody and Brandy,' kasama ang direktor din niya sa'Encantadia' na si Mark Reyes.
Naging TV director naman ang aktor at dating miyembro ng 'That's Entertainment' na si Ricky Rivero. Ang yumaong actor-director ay nakilala bilang direktor na ilang mga TV series. Nabigyan naman siya ng pagkakataong magdirek ng pelikula, ang 'D' Aswang Slayerz' ngayong 2023.
Isa sa achievements ng dating 'Hearts on Ice' actor na si Xian Lim ay ang pagdidirek niya hindi lang ng "Tawid Dagat" music video ni Kapuso star Glaiza de Castro, kundi pati na rin ang isa sa mga episode ng 'Wish Ko Lang' noong 2022. Ngayon taon, nagawa rin ng actor-director ang comedy film na 'Hello, Universe,' na pinagbidahan ni Janno Gibbs.
Bukod sa pagiging aktor ng kapatid ni Chariz Solomon na si Fifth Solomon, naging writer, assistant director, at director din siya sa ilang mga pelikula kabilang na ang Metro Manila Summer Film Festival entry na 'Single Bells.' Siya rin ang naging direktor ng pelikula nina Xian Lim at Ryza Cenon na 'Sa Muli.'
Bukod sa pagiging magaling at primyadong aktres, ipinamalas din ni Gina Alajar ang galing niya sa pagdidirek sa ilang mga serye at pelikula, kabilang na ang hit GMA teledramas na 'The Half Sisters,' 'Impostor,' 'Onanay,' at 'Prima Donnas.'
Bukod sa pagiging actor, dancer, at total performer, isang direktor din si Gab Valenciano. Isa sa mga unang dinirek niya ay ang ariety show na 'Wowowin' noong 2020.
Hindi lang komedyante, naging sikat na direktor din ang yumaong si Philip Lazaro. Kabilang sa kanyang mga naging proyekto ang sitcom na 'Daddy's Gurl,' habang naging assistant director naman siya sa 'The Seed of Love' at 'Prima Donnas.'
Kailan lang ay ibinahagi ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na siya ang nag-direct ng isa sa mga eksena sa pelikula nilang 'Five Breakups and a Romance' ni Julia Montes.
Hindi lang isang aktres, writer at direktor din si Bela Padilla. Sa pelikulang 'Yung Libro sa Napanood Ko,' tatlong role ang ginampanan ni Bela--aktor, writer, at direktor.