advertisement
Showbiz News

Rabiya Mateo, nakisaya sa opening salvo ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2024

1 of 8

Ati-Atihan Festival 2024

Noong Sabado, October 7, nagsimula na ang pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival 2024 sa Aklan.

2 of 8

Rabiya Mateo

Sa opening salvo ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2024, kabilang sa nagbigay ng kasiyahan ang GMA Regional TV kasama ang dating Royal Blood actress at TiktoClock host na si Rabiya Mateo.

3 of 8

Dance performance

Pinainit ni Rabiya Mateo ang entablado sa Pastrana Park, Kalibo, Aklan sa kanyang dance performances.

advertisement
4 of 8

Kalibonhon

Bukod sa dance performances, nakipag-groufie pa si Rabiya Mateo sa mga Kalibonhon.

5 of 8

Thankful

Masaya at nagpapasalamat si Rabiya Mateo sa mainit na pagtanggap ng mga Kalibonhon, "What a night! Thank you, Kalibo, Aklan."

6 of 8

Honored

Para kay Rabiya, isang karangalan ang maging bahagi ng opening salvo para sa Ati-Atihan Festival. Aniya, "I feel so honored to be here. Actually, this is my first time to be in Kalibo, Aklan, at grabe, overwhelming talaga ang dami ng mga tao who came to support the opening salvo. That's why with great gratitude, I am just so happy to be part of this event tonight."

advertisement
7 of 8

Beauty queen

Sa pagdiriwang, natanong si Rabiya kung paano ang naging "transition" niya mula sa pagiging isang beauty queen hanggang sa pagiging isang host at actress. Ayon kay Rabiya, mas mahirap para sa kanya ang maging beauty queen. "Kasi you always need to look your best."

8 of 8

Actress

Sa pagiging aktres naman, aniya, "you can be as versatile as you can." Mas na-enjoy rin daw ni Rabiya Mateo ang pagiging isang aktres, "because I can really express myself in different characters."