Showbiz News

Bubble Shakers share tips on how to achieve a sexy figure

By AEDRIANNE ACAR
 
Gusto niyo bang makuha ang sexy figure ng mga Bubble Shakers mga Kapuso?Nagbigay ng ilang tips ang mga Bubble babes na sina Max Collins, Arny Ross at Sam Pinto kung paano maa-achieve ang figure nila.
 
Para sa Juan Tamad actress na si Max, yoga at healthy eating daw ang solusyon para makuha ang sexy na pangangatawan.
 
Saad ni Max, “Sila ang dapat tinatanong n'yo eh. Pero ako yoga 'tsaka diet.”
 
“Well i-try to eat less carbs and then as much as possible mga two meals a day. As much as possible basta healthy lang lagi kinakain ko,” aniya. 
 
 
Si Arny Ross naman palagi raw sumasabak sa circuit training para i-maintain ang kanyang figure na naging dahilan para siya ay mapasali sa sexiest Pinay list ng isang men’s magazine.
 
LOOK: 'Bubble Gang' siren Arny Ross parties with the sexiest girls in the country 
 
“Ako regular circuit training palagi. Dati nag-gi-gym ako pero nanawa ako sa pagbubuhat. Ngayon, circuit training.”
 
 
Payo naman ng FHM babe na si Sam Pinto, drinking lots of water at pagtulog ng maaga ay effective ways para pumayat.
 
“Eat healthy, sleep early [and] drink lots of water, but they actually really work.”