Showbiz News

Showbiz magazine featuring Alden Richards, halos sold out na in just six days

By AEDRIANNE ACAR
 
Todo ang suporta ng buong AlDub Nation sa magkapareha na si Alden Richards at Maine Mendoza ng kalye-serye ng Eat Bulaga.
 
Mapapansin na nitong mga nakaraang linggo sunod-sunod ang mga balita na patuloy na dumarami ang mga followers nila online at kahit ang mga TV commercials nila ay maraming nakukuhang views din.
 
READ: Direk Jose Javier Reyes tinawag na ‘Superman’ si Alden Richards   
 
IN PHOTOS: Kapamilya celebs love AlDub
 
 
Idagdag mo pa riyan ang magandang balita na pinost ni Direk Jose Javier Reyes ngayong Miyerkules (October 7) sa Instagram nang sinabi nito na ang magazine featuring Alden Richards ay sold out na matapos ang anim na araw.
 
Napiling cover boy ang Kapuso actor sa October issue ng 'Inside Showbiz.' 

Ayon sa post ni Direk Joey, "INSIDE SHOWBIZ Oct issue with Alden on the cover nearly SOLD OUT in 6 days!!"
 
 
Makikita din sa comment section ng official Instagram account ng magazine na maraming fans ng binata ang naghahanap ng kopya nito dahil wala nang mabili.