Humakot ng awards ang ilan sa mga Kapuso shows at artists sa naganap na 6th Gawad Lasallianeta kanina, January 29.
Ang mga nanalo ay pinili base sa kung gaano kalaki ang naging impluwensya nila bilang mga communicators at pagiging role models sa buong La Sallian community. Layon din nito kilalanin ang mga personalidad na may malaking kontribusyon sa larangan ng pagbabalita, TV, radyo at pelikula.
Tingnan sa gallery na ito ang mga nakakuha ng most outstanding awards mula sa Gawad Lasallianeta:
Ginawaran ang 24 Oras bilang Most Outstanding News Show award sa Gawad Lasallianeta. At dahil ito na ang ikalimang sunod-sunod na panalo ay tinagurian na rin ang programa bilang Hall of Famer.
Ginawaran din bilang Posthumous Awardee ang namayapang news anchor na si Mike Enriquez.
Kinilala bilang Most Outstanding Female News Correspondent si Mariz Umali.
Samantala, kinilala rin bilang Most Outstanding News Male Anchor at Male Documentarist si Atom Araullo.
Kinilala naman si Kara David at ang iWitness bilang Most Outstanding Female Documentarist at Documentary Show ng Gawad Lasallianeta.
Kinilala ang Unang Hirit bilang Most Outstanding Morning Show, at ang mga hosts nito bila Most Outstanding Morning Show Hosts.
Kinilala rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho at ang host nitong si Jessica Soho bilang Most Outstanding Magazine Show at Most Outstanding Magazine Show Host.
Ginawaran din ng Most Outstanding Educational Show ang Amazing Earth habang ang host nito na si Dingdong Dantes ay kinilala bilang Most Outstanding Educational Show Host.
Ang show na Born to be Wild ay ginawaran naman ng Most Outstanding Travel/Lifestyle show habang si Drew Arellano ang kinilala bilang Most Outstanding Travel/Lifestyle show host para sa Biyahe ni Drew.
Kinilala ang Super Radyo DZBB bilang Most Outstanding Digital Radio Station habang si Papa Dudut ng Brgy LS 97.1 naman ang kinilalang Most Outstanding Male FM DJ.
Kinilala ang Asia's Multi Media Star na si Alden Richards bilang Most Outstanding Film Actor para sa palikula niyang 'Five Breakups and a Romance.'
Ginawaran naman ng Most Outstanding Actress in a Drama and Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza para sa kaniyang serye na Maria Clara at Ibarra.
Kinilala rin ang Fast Talk with Boy Abunda at ang host nitong si Tito Boy Abunda bilang Most Outstanding Talk Show and Talkshow Host.
Kinilala rin ang Pepito Manaloto Tuloy ang Kuwento bilang Most Outstanding Comedy Show habang ang bida nitong si Michael V ang kinilalalang Most Outstanding Comedian.
Ginawaran din ng Most Outstanding Entertainment Show ang Family Feud.
Ginawaran naman bilang mga Zeal for Lasallian Excellence as Public Communicator Awardee sina Pambansang Ginoo David Licauco at Voltes V: Legacy at Encantadia Chonicles: Sang'gre director Mark Reyes.