Showbiz News

Exclusive: Former Mr. Pastillas candidate Bryan del Rosario, may mensahe sa AlDub

By AEDRIANNE ACAR

Bumisita sa bakuran ng Kapuso network ang former Mr. Pastillas candidate na si Bryan del Rosario sa Barangay LS 97.1 kaninang umaga (Nov. 11).
 
Nandito si Bryan kasama ang kanyang boy band na JBK para i-promote ang kanilang self-titled album at latest single ‘Letting You Go.’ Kasama ni Bryan sa grupo sina Joshua Bulot at Kim Ordonio. 
 
LOOK: Meet Former Mr. Pastillas Bryan and his JBK boyband
 
MUST SEE: Ilang Kapamilya stars fan ng AlDub!
 
READ: Can Alden Richards beat Brandon Beal's record in The Big Ten? 

Sa exclusive interview ng GMA Network.com kay Bryan, umamin ang binata na fan siya nina Alden Richards at Maine Mendoza.
 
Nagkuwento din ang singer/songwriter kung papaano niya hinandle din ang mga bashers nang itapat sila sa phenomenal love team ng kalye-serye.
 
“Lahat naman tayo aminado na AlDub fans. Ako AlDub fan ako. At siyempre alangan naman na ligawan [ko] si Maine [Mendoza] 'di ba. Patay tayo diyan.
 
“Siyempre mas magiging fan na lang ako 'di ba. Siyempre ako naman vocal ako dati sa mga na(m)-ba-bash sa akin na bakit dati Aldub-Aldub kayo, nag-co-cover kayo ng songs para sa AlDub tapos sasali ka diyan.”
 
Unang nireport ng GMANetwork.com na kahit mismo si Angelica Yap a.k.a Ms. Pastillas ay fan din ng AlDub. Makikita kasi sa mga tweet ni Ms. Yap na tutok ito sa mga kilig moments ng Eat Bulaga kalye-serye.
 
MUST-SEE: 8 Pastillas Girl's tweets that prove she's a fan of AlDub
 
Dagdag pa ni Bryan, inisip niya na maganda rin daw opportunity ang maging part ng isang on-air dating series.
 
“Eh siyempre nasuwertehan lang din naman ako nun at siyempre opportunity din ‘yun eh,” saad niya.
 
Nagpasalamat din ang guwapong binata sa mga co-members niya sa JBK na sina Joshua at Kim for their support at understanding, dahil medyo na-sacrifice ang ilan sa mga gigs ng grupo dahil matagal din siyang hindi nila nakasama.
 
“Nagpapasalamat din ako sa kanila kasi mahigit 15 days din kasi ako nandun araw-araw. So marami rin kaming shows na na-cancel. Sobrang understanding naman nung dalawa. Dahil din dun sa show 'di ba siyempre exposure, mas nakilala rin naman kami,” pagtatapos ni Bryan.