Showbiz News

Aljur Abrenica, kinilig kay Ayra Mariano ng 'StarStruck'

Isa sa mga task ng artista hopefuls sa 'StarStruck' ngayong linggo ay ang magkaroon ng kissing scene. Nakapareho ng mga lalaki si Kylie Padilla habang itinambal ang mga babae kay Aljur Abrenica.


Mula kina Arra San Agustin, Analyn Barro, Ayra Mariano, Klea Pineda, at Liezel Lopez, pinakanaramdaman ni Aljur ang eksena kasama si Ayra.
 
"Siya ang may pinaka-expressive na mata. She’s very effective para sa 'kin kasi nagbabato siya ng emosyon, nag-re-react ako. Pinaka-kinilig ako kay Ayra," sabi ng StarStruck season 4 Ultimate Hunk.
 
Nagkaroon ng pag-aalinlangan si Ayra noong una dahil ayaw niyang makipag-kissing scene. Inamin niya pang tatanggapin niyang ma-eliminate dahil dito.
 
"Mas nananaig po sa 'kin yung ginawa kong promise. Mas natatakot ako na gawin yung kiss po. Tatanggapin ko na kung ito 'yung maging dahilan na mag-end journey ko sa 'StarStruck,' okay lang po," sabi ng Bulaceña.
 
Naging panatag ang loob ni Ayra nang sabihin ng challenge director na si Gina Alajar na maaring sa pisngi siya halikan ng aktor. Gayunpaman, naging positibo ang reaksyon ni Aljur sa eksena nila.