advertisement
Showbiz News

Ilang personalidad kinilala sa Eastwood Walk of Fame

1 of 22

Atty. Felipe L. Gozon

Isa sa mga kinilala sa Walk of Fame ay ang Chairman at advisor ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon. Sabi pa niya, pakiramdam niya ay "out of place" siya dahil hindi naman siya artista.

2 of 22

Richard Yap

Hindi naman inaasahan ni 'Abot-Kamay na Pangarap' star Richard Yap na magtatagal siya sa industriya kaya surreal para sa kaniya ang makatanggap ng star mula sa Walk of Fame.

3 of 22

Michelle Dee

Hindi inaasahan ni 'Black Rider' star Michelle Dee na makakakuha rin siya ng sariling star sa Walk of Fame, kaya naman 'nagpapasalamat siya hindi lang sa GMA Network, pati sa Miss Universe Organization para sa opportunities at recognition.

advertisement
4 of 22

Sanya Lopez

Inalala ni 'Pulang Araw' star Sanya Lopez si Kuya Germs, na naging tatay niya sa showbiz, sa pagkakaroon niya ng sariling star sa Walk of Fame.

5 of 22

Johnny Manahan

Nagpasalamat din ang film at TV director na si Johnny Manahan, o mas kilala bilang si Mr. M, sa pagkilala sa kanya sa Walk of Fame. Nakasama pa niya ang aktress na si Claudine Barretto para suportahan siya rito.

6 of 22

Donny Pangilinan at Belle Mariano

Nagkaroon din ng sariling stars ang young actors na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Walk of Fame.

advertisement
7 of 22

Wilson Teng

Kasama rin sa inductees ang isa sa mga mag-ari ng Solar Entertainment na si Wilson Teng.

8 of 22

Luis Manzano

Ang aktor at TV host na si Luis Manzano ay isa sa mga nabiyayaan ng star sa Walk of Fame. Biro pa niya, sa star na niya papalakihin ang anak nila ng aktres na si Jessy Mendiola na si Baby Peanut.

9 of 22

Joel Reyes Zobel

Sa larangan ng radio, nakasama sa Walk of Fame ang DZBB anchor na si Joel Reyes Zobel.

advertisement
10 of 22

Lhar Santiago

Aminado naman ang entertainment reporter na si Lhar Santiago na hindi niya inaasahang mapapasama siya sa Walk of Fame kaya malaki ang pasasalamat niya sa Master Showman para rito.

11 of 22

Cathy Yang

Nabigyan din ang business journalist at TV host na si Cathy Yang ng kaniyang sariling star sa Walk of Fame star para sa larangan ng News at Public Affairs.

12 of 22

The Dawn

Isa ang bandang The Dawn sa mga bagong kinilala sa Walk of Fame. Nagbigay rin ang banda ng isang hindi malilimutang performance para sa lahat ng dumalo.

advertisement
13 of 22

Rivermaya

Nabiyayaan din ng kanilang sariling star ang bandang Rivermaya para sa kanilang kontribusyon sa larangan ng musika.

14 of 22

Baron Geisler

Masaya rin ang aktor na si Baron Geisler dahil nabigyan siya ng Walk of Fame star.

15 of 22

Tony Y. Reyes

Isa rin ang direktor na si Tony Y. Reyes sa inductees ng Walk of Fame para sa larangan ng pelikula.

advertisement
16 of 22

Vic del Rosario

Nabigyan rin ng star sa Walk of Fame ang Viva Communications, Inc. chairman at CEO na si Vic del Rosario.

17 of 22

Menchu Lauchengco

Si Menchu Lauchengco naman ang bukod tanging nabiyayaan ng Walk of Fame star sa larangan ng teatro ngayong taon.

18 of 22

Small Laude

Si Small Laude naman ang nabigyan ng Walk of Fame star para sa social media.

advertisement
19 of 22

Dingdong Dantes

Bukod sa mga bagong inductee, nagpakita rin ng suporta ang mga celebrity na dati na ring nakatanggap ng Walk of Fame star, kabilang na ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

20 of 22

Niño Muhlach

Nagpakita rin ng suporta si Niño Muhlach sa mga bagong inductees sa Eastwood Walk of Fame.

21 of 22

Alden Richards

Full support din ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa mga bagong punarangalan. Ayon sa aktor, masaya siyang makapunta ngayon dahin wala siya noong gawaran siya ng Walk of Fame star noong 2016.

advertisement
22 of 22

Billy Crawford

Nagsilbing host naman ang actor at 'The Voice: Generations' coach na si Billy Crawford na binati naman ang mgabaong inductees ng isang masayang congratulations.